Chapter 15

4.6K 52 0
                                    


Bigla akong nawalan ng gana. Nakisama na ang mga kasama namin sa lamesa sa gitna. Nakipagsayawan na ang mga ito habang ako ay hindi pa din makalimutan ang sinabi ni James.

Pagka-alis nila ay walang imikan sa pagitan naming dalawa ni Yielo. Malaki ang tiwala ko kay Yielo pero dahil sa narinig ko kanina...gusto kong malaman ang paliwanag niya ng hindi ako nagtatanong.

"Restroom muna ako..." paalam ko sa kanya.

Hindi ko siya tiningnan. Anytime kasi babagsak na ang mga luha kong kanina pa nagbabadya. Pinipigilan ko lang na h'wag malaglag dahil ayaw kong makita niya mismo.

Hindi niya ako nilingon kaya agad na akong tumayo. Nagmadali akong naglakad. Malayo pa naman ang restroom kasi nasa unahang parte kami.

"Celesta, puwede ba kitang maisayaw?" tanong ng lalaking humarang sa akin.

Hindi ko man lang namalayan na sweet song na pala.

"Ah, pasensya na. Pupunta kasi akong restroom. Medjo nagmamadali lang," sabi ko at nagkagat labi.

Ayaw kong makipagsayaw sa kahit na kanino. Nawalan na ako ng gana. Gusto ko ng umuwi.

"Ah gano'n ba, sige. Ayain kita mamaya," aniya at nagkamot ulo pa

Hindi ako sumagot sa kanya. Naglakad muli. May ibang mga humarang pa sa akin na nagnanais na isayaw ako pero lahat ng iyon tinanggihan ko lamang.

Pagdating ko sa tapat ng restroom ay may mga bantay doon. Nakaupo sila sa gilid ng hagdan. Sarado ang gate pagbaba. Bawal kang lumabas basta-basta.

"Kuya, lalabas lang po ako saglit. Hindi po kasi maganda ang pakiramdam ko. Nagpaalam naman na po ako," marahang sabi ko. Pagsisinungaling.

Hindi ko naman talaga intensyon pero kailangan kong gawin. Gusto ko na talagang makaalis dito.

"Hanggang sa room ka lang miss. Hindi ka puwedeng lumabas ng wala kang sundo," sabi ng lalaki.

Tumango ako. "Opo, kuya. Maraming salamat po," magalang na sabi ko.

Pinagbuksan naman nila ako ng gate kaya nagtanggal na ako ng sandals. Apak akong naglakad pababa ng hagdan. May bawat room ang bawat section sa ibaba. Kapag inaantok ka na ay puwede ka doon. Kapag hindi mo din kayang umuwi, at ayaw mo. Puwede ka doon matulog.

May bawat bantay naman ang bawat silid. Sobrang secure ang mga ito sa kaligtasan ng bawat studyante.

Hindi talaga ako sa restroom pumunta dahil nasa taas iyon. Nagtungo ako sa room namin. Pagpasok ko doon ay agad akong umupo sa isang kama. Kinuha ko din ang phone ko. Tinawagan ko ang driver namin.

"Hello po, Ma'am. Napatawag po kayo? May kailangan po ba kayo?" magalang na tanong ni kuya sa kabilang linya.

"Kuya...pasundo po ako..." halos ibulong ko na lamang.

"Po? Pero sa pagkakaalam ko po ay mga magulang mo po ang susundo sainyo, Ma'am. Sa kanila daw po kayo tumawag," sagot nito. I sighed.

"Kuya, pasundo na lang po, please. Ako na lang po ang bahala kina mom and dad..." I said, almost begging.

Hindi ko alam kung bakit nangingilid ang gilid nang mga mata ko. Naiiyak na naman ako. Baka sa pagkakataon na ito hindi ko na mapigilan na mapahagulgol.

Ang sakit lang kasi.

"Sige, sige po, Ma'am. Magtext po ako kapag nasa tapat na po ako," aniya.

"Maraming salamat po," I said. Namatay na ang tawag.

Napahinga naman ako nang malalim.
Tiningnan ko ang phone ko. Nagscroll na lang muna ako. Nakamyday na ang mga iba kong kaklase, at ibang mga students. Bakas sa kanila ang saya na akala mo ngayon lang naranasan ang bagay na ito.

Love Never Ends (Sollano Brothers #4)Where stories live. Discover now