"Hey," marahan niyang hinawakan ang kamay ko.Napaupo ako. Nandito ang buong pamilya niya para makaramdam ako ng hiya.
Nasira ko ang family bonding nila. My eyes got teary... naguguilty ako sa nangyari. Sana ay masaya sila ngayon kung hindi ko nasira 'yon.
"Sorry..." Nabasag ang boses ko.
Inangat niya ang mukha ko. Umigting ang kanyang panga ng makitang nangingilid ang gilid ng mga mata ko.
"S-sorry... nasira ko..."
"It's okay, love..."
My eyes got watered. Agad niya naman pinunasan 'yon. Kung hindi big deal sa kanila 'yon... sa akin naman ay big deal. Nasira ko lang naman ang bonding nila.
"H-hindi ko sinasadya..."
Niyakap niya ako. He kissed my hair. Hinaplos niya din 'yon.
"It's okay, love... H'wag mo na isipin masyado..." I sobbed.
Marahan niyang sinapo ang mukha ko at hinalikan ang mga mata ko. Napapikit ako saglit sa ginawa niya.
"Sobrang saya ko lang kasi... Medjo nanibago ako... First time ko sumakay sa mga rides..." Pumiyok ako.
"Shhh, don't talk."
Lumunok ako. Patuloy sa pag-iyak.
"Ngayon ko lang kasi naramdaman ang tunay na saya. Kinukulong lang kasi nila ako sa bahay kaya hindi ko alam ang carnival..."
"Don't talk, love... It's okay,"
"S-sana ay hindi na lang ako sumama... p-para hindi ko nasira 'yung bonding ninyo..."
"Love..." he said softly.
Napahikbi ako habang kagat ang labi.
Naramdaman kong may tumabi sa 'kin. Napalingon ako dito. Hinaplos ni Tita Fely ang buhok ko.
"H'wag ka na umiyak... Ayos lang 'yon, okay? May next time pa naman. H'wag mo na masyadong isipin, anak..." mas lalo akong napahikbi.
"Sorry po, tita... First time ko lang po kasi sumakay do'n... Alam ko pong kasalanan ko kasi ako po ang nag-"
"Wala kang kasalanan, Iha. Hindi mo naman inaasahan na mawawalan ka ng malay. We understand that, tahan na..." marahan niyang hinaplos ang buhok ko.
This family.... Ganitong pamilya ang gusto ko. Ganitong pagmamahal ng Ina ang gusto kong maramdaman pero pinagkait sa 'kin ni Mommy.
Kailanman ay hindi ko naramdaman sa kanya ang pagmamahal niya bilang Ina sa'kin. Kailanman ay hindi siya naging masaya para sa 'kin... She never proud of me.
Sinusunod ko lahat ng gusto niya pero wala pa din. Ginagawa ko ang lahat to make her proud pero wala talaga. Anlaki laki ng tampo ko sa kanya pero hindi niya nararamdaman.
Lahat ng gusto niya sinusunod ko. Sinunod ko ang kursong gusto niya sa 'kin pero hindi pa din siya masaya.
Hindi ko alam kung ano pa bang kulang para maramdaman ko ang pagmamahal niya.
Si Tita Fely... siya ang nagparamdam sa 'kin lahat. Minahal niya ako na parang tunay na anak niya. Tinanggap niya ako na buo. Nagtiwala siya sa'kin ng walang pag-aalinlangan... higit sa lahat ay proud na proud siya sa 'kin.
Siya ang umakyat nung graduation ko ng highschool kasi busy si Mommy sa trabaho. Umiyak ako no'n kasi akala ko walang magsasabit sa akin ng medalya. 'Yong speec ko noon ay para sa kanya.
Anlaki laki ng tampo ko sa kanya.
"Tahan na, anak..."
"S-sorry po..."
Pinunasan niya ang mga luha ko sa mata. "Ang ganda ganda ng anak ko kahit na umiiyak. Proud na proud ang Mommy Fely sa 'yo huh..."
Niyakap ko siya. Tita Fely hugged me back... Hinahaplos niya din ang likod ko para patahanin pero mas lalo lang akong umiyak.
Hindi ko alam kung bakit ang emosyonal ko... simpleng bagay lang naman ang nangyari. Hindi nga big deal sa kanila.
"Let your girlfriend rest, anak..."
Tinapunan niya pa ako ng tingin na may ngiti sa labi bago sila lumabas. Lumapit siya sa 'kin at marahan akong binuhat papunta sa hita niya.
Agad akong yumakap sa leeg niya at siniksik ang mukha do'n.
"Hmm... Umiiyak na naman ang mahal ko. Napakaiyakin talaga..." he chuckled.
Tama nga sila, sobrang softhearted ko. Mabilis akong umiyak kahit sa mga simpleng bagay. Mabilis akong maawa, masaktan, at umiyak.
"Mahal na mahal kita..." he chuckled again.
I can't lost him. Hindi ko kakayanin kung mawawala siya sa buhay ko. Siya na ang buhay ko. Siya na.
Siya ang dahilan kung bakit nagiging masaya ako at napapakita ang tunay na ngiti sa mga tao. Because of him, at hindi ko kakayanin kung dumating ang araw na wala na siya sa tabi ko.
"Tahan na, Love..." malambing aniya.
Humarap ako sa kanya at pinunasan ang mga mata. Natatawa naman siyang nakatingin sa'kin.
"Ang ganda ganda pa din kahit na umiiyak." Napangiti na lang ako.
"Sorry talaga..."
Pinatakan niya ng halik ang labi ko. "Narinig mo naman si Mama natin di'ba?" I nodded.
"Ang saya ko lang talaga... Gusto ko pang sumakay sa mga rides pero..."
He cutted me. "May susunod pa, okay? Sasakyan natin lahat ng rides. Tahan na..."
Tumango-tango ako. Pinunasan niya din ang mga mata ko. Nakatitig lang ako sa kanya habang ginagawa 'yon. Ansuwerte ko sa kanya, sobrang suwerte ko.
Sa daming babaeng nagkakandarapa sa kanya ay ako ang minahal niya.
"H'wag mo akong iiwan, Yielo..." Napahinto siya.
Nagbaba ako ng tingin. He lifted my chin. Tinitigan niya ako sa mga mata.
"Kailan man ay hindi pumasok sa isip ko na iwan ka. Ang palaging pumapasok sa isip ko ay ikaw at ang magiging mga anak natin..."
I bit my lips. Napatingin siya do'n. "Natatakot lang ako... B-baka isang araw wala ka na sa tabi ko..."
Siniil niya ako ng malalim na halik. Napahawak ako sa balikat niya. Akmang tutugon sa halik niya ng bumitaw siya. Parang nabitin naman ako.
"Mas natatakot ako... Kung natatakot ka, mas natatakot ako, yLove..." he huskily said.
Hinaplos niya ang labi ko. Nagbaba ang tingin ko sa labi niya. Hinalikan ko 'yon at yumakap sa leeg niya. He chuckled when I bite his lips. Ilang beses kong kinagat 'yun. Humahaplos naman ang palad niya sa likod ko. Ilang minuto din nagtagal ang halikan namin at pareho kaming hinihingal ng bumitaw.
"Damn, ang galing galing na humalik..." I blushed.
Kumuha muna ako ng hangin bago nagsalita.
"Let's promise..." mababang ani ko.
Pinagdikit niya ang mga noo namin. Ramdam na ramdam ko ang hininga niya.
"Mangako kang hindi mo ako iiwan..." he chuckled.
Siniil niya ako ng halik.
"I'll never leave you, Love... Mas mabuti ng mamamatay akong nasa tabi mo kaysa ang mamamatay akong wala ka sa tabi ko..."
Siniil ko siya ng halik at humiwalay din agad.
"Promise me too... You'll never leave me kahit na anong mangyari..."
Marahan ko siyang tinulak na ikinagulat niya. Umibabaw ako sa kanya. Tinitigan ko ang mukha niyang awang ang labi. I smiled secretly.
"Hinding-hindi kita iiwan, Yielo..."
YOU ARE READING
Love Never Ends (Sollano Brothers #4)
RomanceAfter a long year, Celesta finally said yes to Yielo on her graduation day. Even though Celesta's parents never came, that was the happiest she had ever experienced. The two of them had a secret relationship because Celesta's family did not accept Y...