Chapter 25

4.1K 52 3
                                    


Being Grade 12 is not easy. Nakakapagod. Dito ko naranasan talaga yong sobrang pagod, stress, wala halos tulog,  at nakakalimutan na din na  kumain dahil sa dami ng mga gawain. Hindi ko alam kung ako lang ba yong nakakaramdam nung pagod o hindi. Pero iyon ang nararamdaman ng katawan ko. Para akong nanghihina. Tama nga ang sinasabi ng ibang grade 12 dati na sa stage pa naming ito mararanasan ang totoong hirap.

Pero paano pa kaya kapag college na? Ngayon pa lamang parang hindi ko na kinakaya at nahihirapan na agad ako.

"Hey, are you okay?" tanong ni Gelo na siyang tumabi sa akin.

Bahagyang nakaubub ang aking ulo sa lamesa pero patagilid. Nakapikit ang aking mga mata. Pagod na pagod ang katawan ko. Gusto kong matulog at magpahinga. Lately hindi maayos ang tulog ko dahil sa dami ng gawain.

"Here, kumain ka muna Celesta at baka magkasakit ka. Namumutla ka," ani Gelo sa marahan na boses saka hinipo ako.

Napabangon naman ako at mahinang napasinghap.

"May sinat ka Celesta. Magpasundo ka na at baka mamaya ano pa ang mangyari sa kyo," aniya pa. Bakas ang pag-aalala sa kanyang boses.

"Ayos lang ako Gelo, don't worry..." mahinang sabi ko.

Transfer si Gelo dito sa school namin pero siya ang rank 1 sa buong ABM strand. Nagkakaroon kasi ng ranking by sem. Sa final naman ay buong grade 12 ang pinagbabasehan kung sino ang top 10 sa lahat ng strand. Third grading na kami ng second sem. At sobrang dami talagang gawain. Sabay-sabay tapos sabay-sabay pa nang deadline.  Tapos may practical exam pa kami.

Magkaiba ang exam namin sa summative exam. Ang summative exam ay ang pinaka kabuuan ng lesson kung saan ang test ay lahat ng mga lesson. Pero sa summative ay shashadan mo lamang ang sagot at lahat my pamimiliin. While ant exam naman ay written or practical. Practical ay pag-gagawain kayo ng kung ano-ano na angkop pa din sa lesson. Puwede film ang maging exam, at practical talaga ang exam pero wal din pagdating sa summative kasi nag-exam din kami. All lessons nga lang.

Kaya sobrang pagod talaga. May mga students na din ang nababalita na nagkakasakit dahil doon. May mga umiiyak na din at nag-eemote. Pero magagaling magturo ang mga teachers. Matuto ka talaga.

Pero hindi ba nila naiisip na napapagod din naman kaming mga students? Na minsan hindi na namin kaya. Na late sleep na ang ginagawa namin. Sana naman naisip din nila ang bagay na iyon. Kung sila napapagod, napapagod din naman ang mga studyante.

Gusto kong sabihin sa kanila ang bagay na iyon kasi parang wala na silang awa sa amin. Yong unang sem nakayanan pa namin, e. Pero ngayon iba na kasi.

"Ito, bumili ako nang gamot para kahit paano ay maging magaan ang pakiramdam mo..." he said softly.

Ngumiti ako sa kanya nang maliit.

"Thank you, Gelo. Pasensya na sa abala. Wala ka bang klase?" I asked.

"Wala pa. Mamayang 2 pm pa ang sunod na klase ko..." he answered. I nodded.

Kinain ko ang pagkain na binili ni Gelo sa akin. Nakatitig naman siya sa mukha ko. Pinagmamasdan ang bawat kilos ko kaya hindi ko maiwasan na mailang.

"May dumi ba sa mukha ko at bakit ganyan ka makatingin?" marahang tanong ko.

Napailing siya saka nag-iwas nang tingin pero agad din namang binalik sa akin.

"Wala naman, Celesta. Hindi ko lang maiwasan na titigan ka. You're so pretty...." aniya. Namula naman ang mga pisnge ko. Hindi pa din talaga ako sanay na sinasabihan nang maganda.

"Thank you, Gelo. I really appreciate that..." sabi ko sa kanya atsaka ngumiti.

Katahimikan ang namayani ulit sa aming dalawa. Inubos ko ang pagkain atsaka ininom ang gamot. Ramdam ko talaga ang bigat sa katawan ko.

Love Never Ends (Sollano Brothers #4)Where stories live. Discover now