Hindi ko maiharap ang mukha ko sa pamilya ni Yielo dahil hiyang-hiya pa din ako dahil naabutan nila kami! Parang gusto ko na lang maiyak sa sobrang kahihiyan na nararamdaman."Don't be shy, love," he whispered and chuckled.
Tiningnan ko siya ng masama but he just lick his lower lip. Nang-aasar pa.
"Paanong hindi mahihiya. E, naabutan lang naman tayo ng mga magulang mo sa awkward na position," bulong ko kay Yielo na pagak lamang na tumatawa.
Akala mo nakakatuwa. Hindi ako natutuwa dahil naiinis ako.
"H'wag ka mahiya sister in law dahil ganyan din naman kami," natatawang sabi ni Yiem. Napanguso na lamang ako.
"Normal lang naman ang ganyan, Iha. Pasensya na kung naabala pa namin kayong dalawa sa ginagawa ninyo," sabi naman ni Tita Fely para mas mamula na naman ang aking mga pisnge.
Anong kahihiyan pa ba?
"Sinabi ko naman sa iyo, Hon, na h'wag na tayong umuwi agad," ani Tito Yieler.
Napalingon si Tita Fely sa kanya, naka-angat ang isang kilay. Maldita ang mukha.
"So, ako ang sinisisi mo, Yieler?" Malditang tanong ni TIta
“Wala naman akong sinasabing gano'n, Hon. Hindi naman natin alam na ganito na pala ang ginagawa nila,” pagbawi agad ni Tito Yieler para pigil ang tawa ko. Pagak namang natawa si Yielo sa aking tabi.
Tumingin silang dalawa sa amin. Napayuko na lamang ako. Wala akong mukhang maiharap dahil sa matinding kahihiyan na nararamdaman. Katabi ko si Yielo sa sofa habang nakaupo, kulang na lamang ay magtago ako sa kanyang likuran.
“Iha, wala namang problema sa amin ang nakita namin. Mas malala pa nga kami diyan ng Tito Yieler ninyo at mas bata pa kami nung ganyan kaming dalawa,” ani Tita Fely atsaka napahagikgik. May pagtakip pa siya sa kanyang bibig.
Nakita ko ang pagngisi ni Tito Yieler nang lingunin niya ang kanyang asawa.
Mukhang mas malala nga talaga silang dalawa kaysa sa amin ni Yielo.
Sa paraan pa lamang nang kakaibang titig ni Tito Yieler nalaman ko na agad na talagang ibang-iba sila nung kabataan nila. Sinabi na din naman ni Yielo ang tungkol sa kanyang parents noon, may alam din ako kahit paano.
“Buti nga kayo mabait pa kayo kahit paano. Oh, baka talagang mabait lang itong Celesta kaya naman hindi makabwelo si Yielo,” ani Tita Fely and she chuckled. I blushed again.
“Hindi ka nagkakamali diyan, Mom,” sang-ayon naman ni Yielo. I looked at him. He smiled at me and kissed my forehead.
“Oh, anong gagawin mo ba kung hindi mabait si Celesta?” interesadong tanong nang kanyang ina.
Ngumisi naman si Yielo. Hinihintay ko din kung ano ang sagot niya.
“Baka araw-araw kaming cutting class,” sagot ni Yielo.
“‘Yong lang?” tanong ni Tito Yieler.
“Of course not dad. We are making out around,” he added. “Pero kung talagang hindi ako marunong magpigil, baka dalawa na ang anak namin ngayon.”
Napahalakhak ang kanyang ama. His mother chuckled because of he said.
“Baka nga hindi pa dalawa. Sa inyong apat ikaw ang marahas, anak. Don't me, I know that,” ani Tita Fely.
“Well, hindi ka diyan nagkakamali, Mom,” then he chuckled.
“Sa ganda ni Celesta, pati ang mga kapatid mo nabihag niya. Pero masyado kang possesive kaya naman hindi nila makuha kuha,” ani nang ama.
YOU ARE READING
Love Never Ends (Sollano Brothers #4)
RomanceAfter a long year, Celesta finally said yes to Yielo on her graduation day. Even though Celesta's parents never came, that was the happiest she had ever experienced. The two of them had a secret relationship because Celesta's family did not accept Y...