We celebrated Yielo graduation. Masaya kami sa mesa. Nagtatawanan. Kasama namin ang mga kapatid ni Yielo. Kumpleto silang quadraplets at sa mesa ay hindi nawala ang asarin kami ni Yielo."Parang iba naman ang mukha ng babae sa wallpaper mo sa isang phone mo, ah," ani Yasser habang nakangisi. Halatang inaasar lang naman niya si Yielo na siyang irita naman na ang mukha.
"Iba din ang kasama niyang pinakilala sa atin last time, hindi ba?" Yiem asked. Nakangisi siyang lumingon sa kanyang mga kapatid na tuwang tuwang asarin sa naiinis nang si Yielo.
"Damn it, brothers! Igagaya ninyo pa ako sa inyo!" inis na sabi ni Yielo. Hindi na napigilan ang sarili.
"Hala, kay Yannie baby lang ako, e. Siya lang mahal ko," ani Yasser. Nakita ko din ang pagkislap nang kanyang mga mata.
Sa tuwing makakasama ko si Yasser hindi nawawala sa kanyang bibig ang pangalan ni Yannie. He's so inlove with Yannie and I saw it in his eyes.
"Hindi ka naman gusto," Yiem mocked. Ngumuso lamang si Yasser na parang bata.
"Ano naman. Hindi ka din naman gusto," ganti ni Yasser.
"Hindi ka sure," ngising sagot ni Yiem.
"Inggit lang kayo. Hindi kayo mga ginusto," sabat ni Yleo.
"Aba gago ito. Akala mo naman gusto siya. Hindi ka nga makalapit sa kanya," ani Yiem saka napahalakhak. Napapoker face na lamang si Yleo.
"Don't mind them," bulong ni Yielo sa akin.
Alam ko naman na inaasar lamang siya ng mga kapatid niya. Knowing Yielo, hindi halata sa kanyang magloloko. And I'm confident that I'm the only woman on his life. Nothing else.
"Huy, huwag ka maniwala kay kuya kung anong binulong niya. May babae iyang iba," ani Yasser nang mapansin kaming dalawa.
Hindi na lamang umimik si Yielo. Nasa isang hita ko ang isang kamay niya, namamahinga doon.
"Kung si Yiem pa, maniniwala akong may ibang babae," ani Yielo.
"Aba gago! Dinamay mo pa ako diyan. I'm loyal. Mas loyal and faithful pa ako sa inyo!" ani Yiem na nanliliit ang mga mata.
Playful and arrogant kasi ang mukha ni Yiem kaya napagkakamalan talagang maraming babae. Pero wala naman akong nakitang may mga kasama siyang iba't-ibang mga babae kaya hindi ako naniniwala na babaero siya.
Isang beses lamang nagmamahal ang isang Sollano, and you're not Sollano kung magmamahal ka pa ng iba.
Iyan ang tumatak sa isipan ko nang malaman kay Tita Fely. Nakakatuwa na may gano'n pala sa kanila. Kaya naman pala si Tita Fely lang ang unang babae sa buhay ni Tito Yieler. Maging sa ibang mga Sollano. Pero sa pagkakaalam ko, may isang Sollano ang nagkaroon nang dalawang babae. Pinagsabay. Hindi ko lang matandaan kung ano ang kanyang pangalan. Iyon lang ang nalaman ko. At kung hindi ako nagkakamali, ay tinakwil daw ang lalaking iyon dahil wala sa pamilya nila ang nagmamahal nang dalawa.
Dahil once na nagmahal ang isang Sollano, ikaw na talaga. Ikaw lang at wala nang iba. Ibibigay ang lahat para sa babaeng mahal. Maubos man sila ay wala silang pakialam basta hindi ang taong mahal nila, at si Tito Yieler pa lamang ang nakita kong nagpatunay nang bagay na iyon.
"Tama na iyan mga anak at baka saan pa mapunta ang asaran ninyong iyan. Hindi din maniniwala si Celesta sa inyo," singit na ni Tita Fely.
Napangisi si Yielo dahil sa narinig.
"Yumayabang na si kuya," ani Yleo. Inirapan lamang siya ni Yielo.
"Oh, kailan ba ang kasal?" tanong ni Yiem bigla na siyang ikinaubo ko dahil sa gulat. Agad akong inabutan ni Yielo nang tubig na ininom ko naman.
YOU ARE READING
Love Never Ends (Sollano Brothers #4)
RomanceAfter a long year, Celesta finally said yes to Yielo on her graduation day. Even though Celesta's parents never came, that was the happiest she had ever experienced. The two of them had a secret relationship because Celesta's family did not accept Y...