Chapter 34

4.4K 65 5
                                    


Kinasal kami ni Yielo at totoong pari talaga ang nagkasal sa amin. Totoo din ang kasal namin, kahit na kaming tatlo lamang ang naroon pero masaya kaming dalawa.

I'm happy because I'm official Mrs. Chandria Celesta Ellison Sollano.

Hindi man engrande ang kasal naming dalawa ay masaya na ako. Kahit na ang gusto ni Yielo ay engrande. Pero sinabi ko sa kanya na saka na iyon kapag natapos na ang lahat. Talagang wala nang isipin at problemam. Atsaka basta kasama ko naman si Yielo ay masaya na ako. Wala na akong hiling pa.

Nakatingin ako sa singsing na nasa daliri ko. Alam kong mahal iyon. May bato ba naman, e. Atsaka hindi uso kay Yielo ang mumurahing bagay. Kailangang mahal talaga.

After our wedding. Parang bumalik lamang sa normal ang lahat. Hindi namin masyadong pinag-usapan dahil may bagay na kailangan pa kaming pag-usapan kaysa doon.

Malaki na ang tiyan ko kahit na limang na buwan pa lamang. Nahihirapan na nga akong tumayo kaya kailangang nariyan si Yielo para alalayan ako palagi. Hindi naman siya nawawala sa tabi ko. Kapag kinakailangan lamang.

Naiimagine ko na agad si Yielo kasama ang anak namin. Tipong nakikipaglaro siya dito. Nagkukulitan silang mag-ama. Nagtatawanan. Atsaka gigisingin nila akong dalawa sa pamamagitan ng paghalik nila sa akin.

Ngayon pa lang ay mukhang hindi na matutuwa si Yielo dahil may kaagaw na siya mula sa akin at ang sariling anak niya pa. Natatawa na agad ako kapag magbabardagulan silang ama.

Pero sana lamang ay babae ang anak namin. Hindi pa namin nalalaman ang gender kasi gusto namin kapag nanganak na ako. Ilang buwan pa pero malapit naman na.

May mga  binili na din si Yielo na mg kailangan ng baby namin kahit na hindi pa naman namin alam ang gender. Basta ang binili niya ay parehas panglalaki at pangbabae. Hinayaan ko na lang at nakabili naman na.

Nakasandal ako sa upuan habang nagbabasa ng libro. Hindi ko maiwasan na maiyak kasi grabe ang pinagdaanan nang bidang babae. Kung ako iyon ay baka hindi ko na kayanin pa, pero grabe ‘yong tapang na pinakita niya. Sumuko na siya pero nandiyan si Asher to help her from everything.

Hindi ko inaasahan ‘yong ending at ‘yong magiging endgame niya kasi akala ko wala siyang endgame. Pero nakakatuwa dahil nahanap niya ang totoong lalaking hindi siya sasaktan at iiwan. Lalaking handa siyang samahan hanggang sa dulo.

"Good morning to my beautiful wife..." Yielo greeted with his huskily voice.

Nakatapis siya ng tuwalya at hindi ko naman mapigilan ang sarili ko na tiningnan siya roon. He chuckled.

"Baby, kapag nanganak ka na," asar niya. Napasimangot ak dahil alam niya na agad ang nais ko kahit na wala pa naman akong sinasabi.

He pinched my nose. "Mamaya ka sa akin, misis."

Namula na lamang ako at sinamaan siya ng tingin. Yumukod siya sa harapan ko. Marahan niyang hinaplos ang aking tiyan at tinapat din ang tainga doon na parang pinapakinggan.

"I can feel him..." aniya. Napaatas ako ng isang kilay.

"Paano mo naman nasabi?" I asked.

"Daddy niya ako kaya alam ko," mayabang niyang sabi. Ngumuso ako.

"Hindi tayo sure kung lalaki o babae. Huwag ka nga diyan. Atsaka gusto ko babae," sabi ko.

"Kapag hindi babae, gagawa na lang tayo ulit," aniya na akala mo naman napakadali kapag nagbubuntis.

Masama ang tingin ko sa kanya.

"Ikaw kaya magbuntis," sabi ko. Napahalakhak siya.

"Kung puwede lang mahal ko para hindi mo nararanasan ang mga sakit na nararanasan mo habang nagbubuntis..." he said softly.

Love Never Ends (Sollano Brothers #4)Where stories live. Discover now