Nakangiti ng gumising. Hindi kagaya ng dati na matamlay ako at walang gana kapag tatayo sa kama.Kahit na alam kong panandaliang saya lang ay ayos lang. Atleast naging masaya ako kahit paano at nakasama siya.
I blushed when I remember what happened to us last night.
Masyado siyang gigil kagabi at sabik. Halata naman sa kanya, sa paraan pa lang ng pagpisil niya sa mga dibdib ko at sa pagkagat niya sa labi ko ay halatang sabik na sabik na parang kay tagal niya ng gustong gawin.
Mukhang may kawiwilihan na naman ako maliban sa paghaplos sa kanyang hubad na dibdib.
"Magandang umaga po, Manang." Ngumiti sa akin si Manang.
"Mukhang maganda ang umaga mo, Iha," I just smiled.
Kung alam ninyo lang po kung gaano kaganda ang umaga dahil kasama ko lang naman ang lalaking iniibig ko.
"Halata po ba?" nakangiting tanong ko.
Marahanag natawa naman si Manang.
"Halatang halata, Iha. Ngayon ko lang nakita ang napakagandang ngit mong iyan. Bagay na bagay sa 'yo. Palagi ka nang ngumiti kasi ang sarap mong pagmasdan kapag nakangiti ka," saad pa ni Manang habang may ngiti sa labi.Lumawak ang ngiti sa labi ko. Minsan lang kasi ako ngumiti kapag kasama lang si Yielo. Ngumingiti naman ako sa harapan nila pero alam ko sa sarili kong pilit lang 'yon. Hindi talaga kagaya ng ngiti ko ngayon na masaya.
"Anong dahilan ang pag-ngiti ng alaga ko?" tanong pa ni Manang.
"Ano po, Manang. Atsaka ko na lamang po sasabihin. Nakita ninyo po ba si Sairo? May ipaguutos po kasi ako sa kanya sa rooftop," marahan na sabi at tanong ko.
"Ay, si Sairo ba ang hanap mo?" I nodded. "Naroon siya sa likod ng garden ng 'yong ina. May pinag-utos sa kanya. Puntahan mo na lamang roon, Iha," she answered softly.
"Thank you po, Manang. H'wag pong kalimutan na magpahinga," I said.
She smiled. "Oo naman, Iha. Hindi naman nakakalimutan ni Manang ang magpahinga. Salamat," she added.
I smiled and nodded. Nagpaalam na ako sa kanya. Pangalawang ina na sa akin si Manang. Siya na ang nakasama ko noong bata pa ako. Matagal na siyang naninilbihan rito sa pamilya namin at siya ang nag-aasikaso sa akin noon kapag papasok ako sa paaralan dahil busy si mommy. Si daddy minsan busy rin. Nakakatakot silang istorbohin dahil sisigawan nila ako, pero si daddy nagso-sorry naman siya pagkatapos.
Lumawak ang ngiti sa labi ko. Humawak ako roon habang nakalagay ang isang kamay sa baywang ko. Pinagmasdan ko ang ginagawa niyang pagdidilig sa mga bulaklak ni mommy.
He stopped. Lumingon siya sa akin. Ang kunot niyang noo ay nawala ng makita niya ako. Lumapit ako sa kanya.
"Hi, morning!" I greeted and waved my hand a bit.
He titled his head. Napanguso ako ng nagpatuloy na siya ulit sa pagdidilig. Hinawakan ko ang laylayan ng kanyang damit.
"Love, not now. Baka makita tayo," he said softly.
Natigilan ako. Napatitig ako sa kanya. Hindi niya man lang ako nilingon ng sabihin niya ang mga salitang 'yon kaya binitawan ko ang laylayan ng kanyang damit at lumayo. I sighed.
"Okay. Sasabihin ko sanang pumunta ka sa rooftop, pero h'wag na. Mukhang busy ka naman. Magkukulong na lang ako sa kuwarto. Pasensya na..." I said softly.
I bit my lip. Nakayuko akong tinalikuran siya. Akmang maglalakad na ako ng maramdaman ang kanyang braso na yumakap sa aking baywang. Napangiti ako.
Hindi niya ako matitiis!
YOU ARE READING
Love Never Ends (Sollano Brothers #4)
RomanceAfter a long year, Celesta finally said yes to Yielo on her graduation day. Even though Celesta's parents never came, that was the happiest she had ever experienced. The two of them had a secret relationship because Celesta's family did not accept Y...