Chapter 38

4K 63 1
                                    


"Ate Celesta, join ka na din sa amin!" aya ni Yannie sa akin.

Kanina pa sila nagsasayaw. Mukhang TikTok dance. Lahat kami nakasuot ng white dress na backless. Hapit sa katawan namin. Plain lamang siya at walang design. Si Tita Fely nagbigay sa amin nito. Pare-parehas kami.

"Misis!" boses ni Yielo kaya napalingon ako sa kanya kasabay ang click ng camera na hawak niya. Ngumiti siya pagkatapos.

"Ang ganda ng asawa ko!" aniya, puno nang pagmamahal ang mga mata.

"Mababaliw ka na naman lalo sa akin," biro ko.

"Mas gusto ko iyon!"

Napailing na lang ako. Lalapit na sana ako kina Solana, Jennica at Yannie ng biglang lumabas sina Yiem, Yleo at Yasser. Nakashades ang mga ito. Nakapolo na puti pero hindi nakabutones. Nakamaong na shorts at pare-parehas din ang suot. Labas na labas pa ang kanilang mga abs.

Grabe ang magkakapatid na ito. Hot nilang lahat, pero mas lamang si Yielo.

Napatingin ako kay Yielo. Ngayon ko lamang napansin na same nga silang apat! I'm sure sa mama nila galing iyon.

"Selos ako, misis," aniya. Parang bata.

"Baliw," asik ko.

Seloso talaga. Sariling mga kapatid pinagseselosan. Hindi naman kailangan lalo na at siya lang.

Humawak siya sa baywang ko at lumapit na kami sa kanila.

Lumapit si Yannie sa akin. Hinila na lamang ako kaya napalayo na ako kay Yielo na parang batang nagmamaktol na nilapitan ng kanyang mga kapatid. Natatawa sa kanya.

"Mamaya na sila. Girls bonding muna tayo," ani Jennica.

Wala na akong nagawa kundi makijoin sa kanila. Si Jennica ang unang nagsayaw. At masasabi kong ang lambot ng kanyang katawan. Ang galing niya! Tapos ang ekspreyon ng kanyang mukha ay tamang tama din sa kanta.

Sumunod si Yannie na pak na pak din sa pagsasayaw. May pagkagat labi pa siya. Nang si Solana na ang sumunod ay pansin ko ang hiya niya pero nagpatuloy pa din sa pagsasayaw.

Napakahinhin ng kanyang kilos pero malambot ang katawan. Ngayon ko lamang napansin na may kurba ang kanyang katawan. Hour glass body. Kitang-kita dahil sa dress na suot niya.

"Ikaw na, Celesta!" sigaw ni Jennica para magulat ako.

Nakangisi siyang nakatingin sa akin kaya agad na akong sumunod. Hindi ko alam ang song basta si Jennica ang pumili. Dancing queen ang kanta at hindi ko alam ang sayaw noon pero kung ano lamang ang maisipan kong steps ay iyon lamang ang aking ginawa!

"Shit, ang hot mo!" hiyaw ni Jennica atsaka sumipol pa. I smiled shyly pero nagpatuloy pa din.

After nung kanta ay kami namang lahat pero iyon pa din. Nagtatawanan na lamang kami habang nagsasayaw.

Napatingin ako bigla kay Yielo, at doon ko nakita ang apat na siyang tulala na habang nakatingin sa amin! Awang ang magagandang labi nila. Ang mga mata ay puno ng paghanga.

Ngumisi si Yiem kaya kitang-kita ang pagiging palyful ng mukha. Napakagat labi naman si Yleo habang nakatingin kay Solana. Si Yasser naman ay nakangiti habang nakatingin kay Yannie, bakas sa mukha na proud siya. Si Yielo naman ay nakatingin sa akin. Tulala habang awang ang labi pero napangiti din at napakagat ng labi. Humawak pa siya sa kanyang ulo.

Hindi ko alam kung ako lang ba pero ang hot nilang tingnan sa kanilang itsura!

"Mamaya sa akin iyang si Yiem," bulong ni Jennica at humalakhak.

Tinaas niya ang suot niyang dress para makita ang kanyang legs. Kagat labi siyang tumingin kay Yiem at kininditan niya pa ito. Parang nang-aasar. Naging kakaiba na din ang  galaw ng katawan niya. Nang tumingin ako kay Yiem ay mariin na ang kanyang titig.

Love Never Ends (Sollano Brothers #4)Where stories live. Discover now