"Celesta, kanina pa naghihintay si Xanth sa 'yo. Hindi ka pa ba tapos?" I heard my mom's voice outside of my room.Hindi talaga ako makapili ng susuotin kaya hindi ako makalabas ng silid ko. Gusto kong maging presentable at maganda sa harapan ni Yielo. I bit my lip.
"Pumipili pa ako ng susuotin ko, mommy. Wala po akong mapili, e," I answered.
"Bubuksan ko ang pinto," she said. Narinig ko ang pagbukas ng pinto.
"Gusto ko po kasing maging maayos at maganda sa harapan ni Xanth," bungad ko.
I heard her chuckled. "Mukha nga. Wait, ako na ang pipili," aniya.
I nodded. Hinayaan ko si mommy na pumili ng kung anong susuotin ko. Pinagmasdan ko siya. She's smiling, at sana ganito na lang palagi. Ngiting totoo.
"Here," aniya. Pinakita niya sa akin ang isang elevated brown dress. "Bagay ito sa 'yo. Hindi mo naman kailangang gaanong magpaganda kay Xanth dahil simple lang naman ang nais niya. You're pretty, Celesta," she added.
Tumango na lang ako at sinuot na ang dress na napili niya. Inayos niya din ang aking buhok maging ang aking mukha ay siya ang nag-ayos.
"'Yan. Mana ka talaga sa akin ng kagandahan," aniya at pinagtabi ang aming mga mukha.
Nakatingin kami pareho ngayon sa salamin. May ngiti siya sa labi kaya napangiti na lang din ako. Ngayon ko na lang ulit nakausap si mommy ng ganito kalapit.
"Mag-i-ingat kayong dalawa. May tiwala ako sa 'yo Xanth na hindi mo pababayaan at iiwan ang anak ko," sabi ni mommy at hinaplos ang aking buhok.
"Umasa kayong ibabalik ko siya ng maayos tita. Hindi ko po pababayaan si Celesta," casual na sagot ni Xanth.
"Mabuti naman kung gano'n. Ayoko lang mapahamak ang anak ko," sabi pa ni mommy.
"Kasama namin si Sairo, tita. Para may magbantay sa amin kahit paano," ani Xanth.
Napasulyap si mommy kay Yielo na tahimik na may nilalagay sa likod ng sasakyan.
"Mabuti nang isama ninyo para kapag may kailangan kayo ay sa kanya ninyo iutos. Mabait naman si Sairo at may tiwala din ako sa batang 'yan," sabi ni mommy.
Gusto kong ngumiti pero pinigilan ko ang sarili ko. Kung alam mo lang, mommy. Kung alam mo lang.
Niyakap ko muna si mommy bago kami tuluyang umalis. Nakita ko pa ang pagsunod niya ng tingin sa amin. Nasa backseat kami pareho ni Sairo habang si Xanth ang nagmamaneho. I didn't speak. Hindi din naman kasi siya nagsasalita. Hindi ko din alam ang sasabihin ko.
"Ganyan ba talaga kayong dalawa? Parang hindi magkasintahan," sabi ni Xanth.
Napasulyap ako kay Yielo na tahimik na nakatingin sa bintana. Kung titingnan mo ang mukha niya ay parang masungit.
"Mag-usap kaya kayo. H'wag kayong mailang sa akin," ani pa ni Xanth.
Ngumuso ako ng maliit. Sinusulyapan si Yielo at nagbabakasali na lilingunin niya ako pero walang nangyayari. Nanatili siya sa kanyang posisyon kaya hindi ko na napigilan ang sarili ko. Kinuha ang kamay niya at pinagsiklop ang aming mga daliri ngunit wala man lang siyang reaksyon.
Galit ba siya? Pero bakit naman siya magagalit at anong ikagagalit niya?
"Suyo malala," rinig kong sabi ni Xanth at tumawa.
Tumigil ang sasakyan. Napatingin ako kay Xanth.
"Sunduin ko muna ang mahal ko. Usap mo na kayong dalawa diyan," aniya at lumabas ng sasakyan.
YOU ARE READING
Love Never Ends (Sollano Brothers #4)
RomanceAfter a long year, Celesta finally said yes to Yielo on her graduation day. Even though Celesta's parents never came, that was the happiest she had ever experienced. The two of them had a secret relationship because Celesta's family did not accept Y...