Chapter 40

5.4K 62 0
                                    

Epilogue next

Nagtataka ako sa sinabi ni Tita Fely pero pinagsawalang bahala ko na lamang. Lumabas na kami.

Red na dress ang suot ko pero style niya ay sando. Above the knee. I'm wearing red sandals too. Nakalugay ang mahabang buhok.

Si Jennica ang nag-ayos sa aming lahat.

Pagpunta namin sa puwesto ay nagtataka ako ng biglang umalis agad sina Jennica sa tabi ko. Kunot ang aking noo sa pagtataka pero nakangiti lamang sila sa akin.

My mouth dropped when I saw Yielo. Nakaupo siya sa gitna habang naka formal attire tapos may gitara na hawak at mike sa unahan niya.

"Hey, Celesta. My wife and the mother of my children," aniya sa mike

Hindi ako nakapagsalita. Pinagmamasdan lamang siya sa kung ano ang kanyang gagawin.

Inayos niya ang gitara na nasa kanyang kandungan. Ngumiti siya sa akin at nagsimulang kumanta. Natigilan ako nang kantahin niya ang favorite song ko.

Heaven Knows.

May talent si Yielo sa pagkanta at maganda ang boses nito. Soft kapag kumakanta, at ngayon na lamang ulit narinig si Yielo na kumanta. Napakaganda pa din nang kanyang boses. Hindi magbabago. Mas lalo lang lumago at naging malalim.

Nakatitig lamang ako sa kanya. Emosyonal ang aking mga mata. My heart is beating so fast too. I love his voice. Para akong henehele sa kanyang boses.

Lumapit si Jennica sa akin atsaka si Solana, inalalayan nila ako papunta sa gitna. Nagtataka ako sa mga nangyayari pero tanging kay Yielo lamang ang aking atensyon.

Nang mapunta ako sa gitna ay ka harap ko na si Yielo na patuloy sa kanyang pagkanta at pag-gitara. Nang ilibot ko ang mga paningin ko ay ngayon ko lamang napansin na nasa shape heart pala kami. Umiilaw ang nasa paligid namin. Idagdag pa ang mga petas na nilalagay nina Jennica, Yannie at Solana, tumulong na din sina Yleo, Yiem at Yasser.

"Ang guwapo mo, hubby," puna ko. He chuckled.

Pagkatapos niyang kumanta at binigay niya kay Yiem ang gitara na kinuha naman nito. Maging ang kanyang kinauupuan ay tinanggal ni Yasser.

Kami na lamang dalawa ang nasa gitna. Lumapit si Yielo sa akin nang may malawak na ngiti.

Namumungay ang kanyang mga mata. Kinagat niya ang kanyang labi bago ako halikan sa noo.

"Celesta, ikaw lamang ang mamahalin ko kahit na sa susunod na buhay ko..." aniya. I smiled.

Humawak siya sa baywang ko. Nilagay niya naman ang aking kamay sa kanyang balikat. Sumayaw kaming dalawa nang biglang kumanta ang tatlo niyang kapatid. Napalingon ako sa kanila. Nakangiti sila sa amin.

Takang-taka na talaga ako at hindi maiwasan na kabahan. Sobrang bilis nang tibok nang aking puso.

"Naguguluhan ako..." sabi ko.

Nakangiti lamang siya sa akin. Sinasabayan ang paggalaw nang aking katawan kung saan papunta

"Wala ka ba talagang kahit na anong ideya?" he asked. Ngumuso ako.

"Magtatanong ba ako kung may ideya ako? Kung may alam ako?" Pagak siyang tumawa.

Hindi siya umimik. Nagpatuloy lamang kaming dalawa sa marahang pagsasayaw habang nakatitig sa mga mata nang isa't-isa. Punong puno nang emosyon ang aming mga damdamin gano'n din si Yielo. Nararamdaman ko ang bilis nang tibok nang kanyang puso.

"Ang tagal kong pinangarap noon na mapa sa akin ka. Natatakot pa akong umamin noong una sa iyo dahil baka hindi mo matanggap ang pagmamahal ko," sabi niya. Pinakinggan ko lang naman siya.

Love Never Ends (Sollano Brothers #4)Where stories live. Discover now