Chapter 30

5K 69 4
                                    


Balot ng kumot ang katawan ko. Nilalamig ako at ramdam ko ang panginginig ng katawan ko. Talagang nilagnat ako, at ngayon naiiyak na lamang ako dahil doon.

Hindi ako makatulog ng maayos. Pinilit kong bumangon, pero nanghihina talaga ako. Walang lakas na imulat ang mga mata at umupo sa kama.

May nararamdaman ako sa paligid. Parang may tao. Malapit lamang sa akin.

Dahan-dahan akong nagmulat ng mga mata. At hindi ko inaasahan na makikita ko ang lalaking minamahal ko.

"Yielo..." mahinang tawag ko sa kanya at pinilit ang sariling na umupo.

Agad naman niya akong nilapitan atsaka inalalayan. Para akong napapaso dahil sa kanyang kamay na humahawak sa akin.

Tahimik siyang bumalik sa kanyang ginagawa. Pinigaan niya ang bimpo. At pagkatapos ay lumapit muli sa akin. Marahan niya iyong pinunas sa aking noo pababa sa aking leeg.

Walang nagsasalita sa amin. Tinitigan ko  lamang din siya. Seryoso ang kanyang mukha habang pinupunasan ako.

Naalala ko na naman ang ginawa ko at hiyang-hiya ako. Pero nasa harapan ko siya ngayon, inaasikaso ako.

"A-anong oras na?" utal na tanong ko.

"3 am," he answered. I nodded.

Nang matapos akong punasan ay muli siyang tumayo. Gusto ko siyang kausapin pero hindi ko alam kung saan ako mag-uumpisa.

Sa laki ba naman ng kasalanan ko.

"A-alis ka na?" mahinang tanong ko ng makitang hawak niya ang palanggana at paalis.

"Babalik ako..." tanging sabi niya atsaka siya lumabas ng silid.

May kung anong kirot sa puso ko pero wala akong karapatan na masaktan. Siya ang may mas karapatan.

Pero bakit inaasikaso niya pa  ako? Galit siya sa akin. Sinabi niya mismo. Baka pagsalitaan niya din ako ng ikakasakit ko kaya siya nandito.

Tatanggapin ko naman iyon kung sakali man, kasi may kasalanan talaga ako. Hindi lang sa kanya kundi maging sa kanyang ina.

Pinilit kong tumayo kahit na nanginginig ang buong katawan ko at lamig na lamig. Pero wala na akong pakialam. Nagtungo ako sa terrace.

Ramdam ko ang init ng katawan ko. Tumingala ako sa langit at mapait na ngumiti.

"Iiwan niya kaya ako?" mahinang tanong ko. "Ilang beses na akong nagsinungaling sa kanya. Ilang beses ko na siyang nasaktan. Siguro...hindi ako ang tamang babae para sa kanya. Ang tamang babae sa kanya ay ‘yong talagang tapat sa kanya. Babaeng hindi siya sasaktan..." mahinang ani ko. Pumiyok pa ako, at dahan dahan naglandas ang mga luha ko.

Bawat salitang binibitawan ko ay masakit sa akin.

"Baka nagsisisi  na siya na ako ang babaeng minahal niya. Hindi nga talaga ako deserving para sa kanya. Masyado akong nagpapadala sa emosyon ko... Mahina pa din pala ako hanggang ngayon..." I sobbed and bit my lips.

Ang kaninang mahinang hikbi ay lumalakas habang ang puso ay ko ay sobrang nasasaktan.

"Tanggap ko kung makikipaghiwalay siya sa akin. Kung iiwan niya na ako. Ayos lang sa akin. Tanggap ko, kahit na masakit. Baka nga talaga hindi akong right girl for her. I'm not worth it for his love... Sakit lang nadudulot ko sa kanya, e..." then I chuckled.

Sakit. Sakit. Sakit magmahal.

Iniyak ko na lamang lahat. Tinatanong ang sarili ko at kung ano-anong sinasabi ko.

Naramandaman ko na lamang na may yumakap sa aking likuran sa gitna ng aking pag-iyak. Sumiksiksik din siya sa leeg ko para mas lalo akong umiiyak!

"Ganyan ba ako ka daling bitawan, mahal ko? Papayag ka na mapunta ako sa  iba, hah?" he asked. Hindi ako nakaimik. Patuloy sa pag-iyak.

Love Never Ends (Sollano Brothers #4)Where stories live. Discover now