CHAPTER 15: YEAH, WHAT IS IT?

332 10 0
                                    


Kinabukasan pagkagising ko'y namatay na ang phone ko. Naubusan panigurado ng battery sa buong magdamag na naka-video call kami ni Ivan.

Hindi ko alam kung masyado lang na-excite si Ivan (tulad ko) na naging kami para magvideo call buong magdamag, kung normal lang ba ito o sadyang clingy lang talaga siya dahil sa totoo lang ay eto ang pinakaunang beses na nakipagrelasyon ako. Maski sa nakaraan kong buhay ay No Boyfriend Since Birth (NBSB) ako bago ako namatay, huhu.

Kaya sa ngayon ay ginagawa ko lang muna ang gusto niya kasi gusto ko rin, haha.

After I charged my phone in the morning, I went to the indoor gym of the mansion (yes, they have an indoor gym) and did some exercise before eating breakfast. Pagkatapos ay naligo na ako't nagbihis bago binalikan ang cellphone ko na fully charged na. Nagulat pa ako nang makita ang sunod-sunod na pagpop out ng mga mensahe mula kay Ivan.

From: Ivan

Good morning! The call ended pagkagising ko. Nalowbat ka na siguro :< I wanted to see your face when I woke up. In the future, I'll surely be able to do so. Anyways, what are you up to this morning?

From: Ivan

I'll be busy the whole morning. On my way to the office. See you later at our lunch date ;D

From: Ivan

Why no reply :<

Oh, shit. Hindi na ako nakareply. My phone was shut down pagkacharge ko kaya hindi ko na nabuksan at check mga messages niya.

Dapat pala chineck ko ulit nung nagbukas na phone ko after some time nang pagcharge tapos ay nireplyan siya.

Kaagad akong nagtipa ng reply...

To: Ivan

Good morning! Sorry about not replying earlier. Na-deadbat phone ko. Hindi ko na nabuksan ulit pagkacharge kasi dumiretso na ako sa gym to exercise and eat breakfast na rin. Kakabukas ko lang ngayon. Good luck sa training mo sa office! :) See you later.

I wasn't expecting a reply back dahil baka nga busy siya pero wala pang halos tatlong minuto nang tumunog ang phone ko.

From: Ivan

Okay okay! :D

Napakagat ako ng labi nang mabasa message niya. Why is he so cute?

I also checked my other notifications na kanina pa pumasok pero bago ko lang natignan. Isa na roon ay yung notification na inaccept na ni Ivan yung friend request ko sa Facebook na ngayon ko lang naalala. Nagrequest nga pala ako sa kaniya nakaraan.

When I went through his Facebook profile ay wala nga siyang recent post. Hindi siya active unlike the old Catherine. Wala rin akong balak maging active ngayon. I plan on lying low for now.

Tanghali na't tulad ng usapan namin ni Ivan ay sinundo niya ako para sabay kaming kakain ng lunch. We ate in an italian restaurant while talking about the most important to the most mundane things. I'd say we got to know each other better. I just even found out he's mildly allergic to peanuts and tree nuts.

After lunch, imbes na magpahatid sa bahay ay nagpahatid ako sa shopping mall para mamasyal at magliwaliw dahil wala rin naman akong ibang gagawin pag-uwi. Yeah, vacation is the best!

Balak pa sanang sumama ni Ivan kung hindi lang siya tinawagan ni Tita Mira dahil hinahanap na siya't may kailangan pa raw silang asikasuhin.

"Take care, alright? Call me if you need anything," paalala niya pa na tinanguan ko naman.

"I'll be fine," I assured him, "Sige na. Ingat ka rin pag-uwi. I'll see you tomorrow."

Napag-usapan rin kasi namin na sasama ako ihatid sila Ivan sa airport bukas. Kanina ko nga lang din nalaman na sinabi na pala niya yung tungkol sa amin sa mga magulang niya't suportado naman daw nila kami. Hindi ko alam kung nakaabot na rin kay Mom. Sa ngayon ay hindi niya pa rin ako kino-contact. Kung may balak pa nga talaga siya.

He squeezed my hand tight, "See you tomorrow, love," he bid his farewell, leaving me astounded and a blushing mess habang pinapanood ko ang sasakyan nilang umalis.

Napapailing na lamang akong pumasok sa loob ng mall nang mawala sila sa paningin ko.

Love?

Why is he so corny?

Wala sa sariling napatakip ako ng bibig dahil pakiramdam ko'y sobrang lawak ng ngiti ko't baka pagtinginan ako. Ah, did he really have to attack me like that?

I observed the shops around me then continued to walk. I do have some money on me to spend.

Noon, in my past life, tuwing pumupunta ako sa mga shopping malls ay hanggang window shopping lang talaga ako dahil wala akong sapat na pera pambili ng mga luho. Pero ngayon, I have more than enough to buy whatever I want.

I couldn't help but giggle to myself as I made my way to the bookstore.

Hindi ko alam kung hanggang kailan lang 'to kaya susulitin ko na't bibilhin ko na lahat ng mga libro na hindi ko mabili-bili noon!

Muahahahaha!

Love Operation: Don't Become The VillainessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon