We parted ways after that proposal I genuinely wasn't expecting to happen. Hinintay niya pa akong makapasok sa loob ng bahay bago siya tuluyang umalis.
Akala ko ngayong gabi'y simpleng date lang ang mangyayari. We would just eat outside and simply spend time with each other, get to know each other stage.
Although I was about to ask kung ano ba talaga kami bago nangyari ang pagsabog, ay hindi ko pa rin inaasahan na may plano pala siyang magpropose. At hindi ako magsisinungaling kung sasabihin kong tunay akong natutuwa na may halong kaunting kaba at takot na pilit kong isinasantabi.
Tsaka ko na aalalahanin ang mga mangyayari kapag nangyari na. Focus muna ako sa ngayon. Susulitin ko na habang nandirito pa.
Malalim akong napabuntunghininga bago patalong dumapa sa aking kama. Katatapos ko lang maligo at magbihis ngayong gabi at matutulog na.
Kinuha ko ang aking cellphone mula sa bedside table para magcheck ng mga kaganapan sa aking mga social media. Simula nung naging si Catherine ako'y hindi na akong naging active sa mga account niya.
Kalmado lamang akong nagso-scroll sa news feed at nagbabasa ng mga dating messages niya para mas magkaroon pa ako ng kaalaman tungkol sa buhay niya. Base roon ay masasabi kong wala talaga siyang mga kaibigan. At most, may mga alila-alila siya na may mga pangalan na Lucia at Josie sa school niya sa California.
I turned my phone off and lazily buried my head in my fresh and soft pillows.
Ayaw ko nang bumalik dun, huhu. Klarong-klaro na para sa akin yung ideya ng klase ng buhay na meron yung dating Catherine dun at hindi ko alam kung kakayanin ko bang harapin yun.
There are less than two weeks bago ako babalik ng California at magiging Grade 9 na.
Is it going to be too late if I told Mom na gusto kong maglipat ng school kahit naka-enroll na? Huhu, meron kasing nageenroll sa akin dun kaya natatapos kaagad nang wala akong inaalala.
Sheesh, perks of being a rich daughter. It's kinda weird dahil paniguradong buong buhay ko'y hindi ko ito mararanasan sa dati kong buhay. I was literally able to experience two different worlds in this soul.
*BEEP*
Sinilip ko ang screen ng cellphone ko mula sa pagkakalibing ng mukha ko sa unan para ma-check kung sino ang nagtext.
Tuluyan na akong napaangat mula sa unan nang makita ang pangalan ni Ivan. Kanina nga pala'y nagpalitan kami ng contacts.
From: Ivan
Just got home :) What are you doing right now?
Naramdaman ko ang pag-init ng mga pisngi ko. He really texted me.
I started to type my reply...
To: Ivan
Preparing to sleep. How about you?
Wala pang isang minuto ay may reply na siya kaagad.
From: Ivan
Preparing to sleep too. Can we do a video call later after I'm done?
Napanganga ako sa nabasa't naramdaman ko ang paninikip ng dibdib ko dahil sa tuwa at kilig. Gusto niya pa magvideo call kahit ganitong late na?
While screaming internally, I replied.
To: Ivan
BINABASA MO ANG
Love Operation: Don't Become The Villainess
Romansa〚 SEASON 1 || COMPLETED 〛 Most Impressive Ranking: #1 on Teen Fiction Not remembering how she died, Yara transmigrated into the hit light novel 'Beloved Jade' as the main villainess, Catherine who gets exiled to another country at the end of the sto...
