Kabanata 13
"Here," Iniabot niya sa akin ang malamig na beer. Pagkatapos niyang kumain kanina sa bahay ay niyaya niya akong lumabas, mag inuman daw kami kahit tig dalawang bote lang daw pampatulog lang dahil sa dami ng trabahong ginawa niya kanina.
Nandito kami ngayon sa rooftop ng office niya at tinatanaw ang city lights, twenty minutes drive lang pala ito mula sa bahay ko. Pagkataas taas ng building na ito at sa tingin ko ay pag aari nila talaga ang buong building. Nagulat pa ako nang patungan niya ng blanket ang likod ko hindi na kasi ako nakapagpalit pa, 'yong nighties at bathrobe ko nalang daw ang suotin ko dahil nakasasakyan naman daw kami, mukhang kinuha niya iyon sa office niya kasabay ng pagkuha ng beer.
"Thank you. Daming trabaho?" Biglang sambit ko, kumunot ang noo niya at saka tumango. Nahilamos niya ang kanyang palad sa kanyang mukha at humugot ng napakalalim na paghinga bago tumagay doon sa beer na hawak niya.
"Yes, sunod sunod ang meeting ko kanina. Kung hindi pa ipinaalala ni Red na hindi pa ako kumakain buong araw ay hindi ko na maiisip kumain. Baka natulog nalang ako sa unit ko." Litanya niya.
"Bakit hindi ka pa umuwi? Para makapagpahinga ka na."
"Ikaw ang pahinga ko." Diretsang sabi niya sabay nginitian ako. Napaatras naman ako dahil sa sinabi niya, lumunok ako at tumagay ng beer. Bigla nalang bumabanat ang isang 'to.
Bigla kong naalala yung interview niya sa isang channel. "Sikat ka pala." Tumingin siya sa akin na may halong pagtataka.
"I saw your interview kanina, twenty years anniversary ng isang Foundation mo? I forgot what foundation is it, pero para sa mga biktima ng human trafficking?" Patuloy ko.
"Ah." Sagot niya na parang alam na niya ang sinasabi ko, "I didn't know na may gano'n foundation ka pala." Patuloy ko.
"Hmm, I started it when I was nine years old." Nanlaki ang mata ko dahil napakabata pa niya nung time na yun ah! "When I first asked my Dad and Grandpa about it, hindi sila makapaniwala." Simula niya.
"Ang bata mo pa nun ah!" Hindi makapaniwalang ani ko.
"I know." Ngisi niya.
"Ano namang naging inspirasyon mo para simulan ang foundation na 'yun?"
Sandali siyang tumungga ulit ng alak at tumingin sa malayo, "Because of Red and his brother." Aniya, napakunot ang noo ko.
"Red? You mean yung personal assistant mo? Body guard? Secretary?" Sunod sunod na tanong ko na nagpangisi sa kanya. "Yes, si Red na kilala mo."
Tinitigan ko siya ng malalim habang nakakunot ang noo ko, dahil kay Mr. Red? Don't tell me totoo ang chismis...
"Are you gay?" Nabigla ako sa sinambit ko dahilan para takpan ang bibig ko! Biglang humalakhak si Sebastian at muntik pang maibuga ang iniinom na beer.
"Pati ba naman ikaw?" Tumatawang aniya.
"N-no, I'm sorry, I didn't mean to say that, madami lang akong nabasa sa internet."
"Ini-stalk mo ako?" Panunuya niya.
"I'm sorry?" Tumatawang mungkahi ko! "Napanood ko lang sa news! Tapos chineck ko lang sa internet kung anong klaseng tao ka."
"Really? So, anong nakita mo?"
"Gay ka daw. Puro halik lang daw ang alam mo." Mahinang sagot ko, he smirked and wiped his lips and bit it sexily.
"You believe it?" Tumatawa tawang tanong niya at mas lalong lumalim ang pagtitig niya sa akin na para bang nagbabanta ng kalokohan. I slipped my hair behind my ears, bigla kasi akong ninerbiyos sa mga titig niya.
BINABASA MO ANG
Ngayong Gabi [Sebastian Luke Cando]
General FictionWARNING: MATURED CONTENT. The story you are about to read contains disturbing content and may trigger an anxiety response, especially in those who have a history of trauma. Pilit tumatakbo sa madilim na nakaraan si Dannie Prieto, ngunit alam niya sa...