Kabanata 1
"Oh, siguraduhin niyong malalagpasan niyo ang target niyo ngayon." Paalala ng Manager naming si Yna.
"Yes, Madam!" Sabay sabay na sagot ng mga kasama ko.
Nakatingin lang ako sa repleksyon ko sa tapat ng salamin kaya naman napansin ako ni Yna. "Gayahin niyo itong si Dannie, everyday nalalagpasan niya ang target niya." Pag bibida niya sa mga kasama ko na inilingan ko nalang.
"Napaka ganda naman kasi niyang si Dannie, napaka sexy pa. Ano bang sikreto mo ha? Parang isang ngiti mo lang sa mga guest talaga namang pag aagawan ka." Litanya ni Tony na tinawanan ng mga kasamahan ko.
"Tigilan niyo nga ako." Bulyaw ko saka nagsindi ako ng yosi at hinithit iyon.
"O siya sige na, ten minutes mag start na kayo." Paalam ni Yna matapos kalampagin ang pintuan ng dressing room namin.
"Kailangan ko nang magpadala bukas, yung anak ko mag e-enroll na. Pinapagamot ko pa si Mama, hay, ang hirap ng buhay." Sabi ni Leila na ngayon ay nagbibilang ng kaperahan doon sa may sofa. May isang anak na babae si Leila at anak iyon ng isang Singaporean na hindi naman siya pinanagutan, nasa Pinas iyon at pinapa alagaan niya iyon sa kapatid niya. Sa aming lahat siya na ang pinaka matagal dito sa Singapore. May cancer ang Mama niya kaya naman doble kayod ang ginagawa niya ngunit hindi pa rin sapat iyon.
Humithit at buga ako ng yosi bago ako nagsalita. "Magkano ba ang tuition fee ng anak mo?" Kunot noong tanong ko.
"Ten thousand pero isang taon na yon, kaso kailangan pa ng mga workbook at textbook." Sagot niya na nagpasigaw kay Tony.
"Anak ng putcha, saan ba nag aaral yang anak mo?"
"Hoy, pinasok ko sa private school ang anak ko. Para naman yung hindi ko naranasan noon eh maranasan niya!" Pagmamalaki ni Leila, "Saka isa pa grade 4 na siya, palagi pang top 1 sa klase." Dagdag pa niya.
"Aba matalino ang anak mo ha? Buti hindi nagmana sayo." Pang aalaska ni Tony dahilan para batuhin siya ni Leila ng lipstick.
"Gaga! Matalino ako tinamad lang akong mag aral!" Halakhak niya habang patuloy sa pagbibilang ng pera niya at para bang hindi pa rin sapat iyon.
"Tama na nga yang pagbibilang mo ng pera, ako na ang magbabayad ng tuition fee ng anak mo." Sabi ko saka idiniin ko sa ashtray ang dulo ng yosi.
Mabilis na tumayo si Leila sa kinauupuan niya para lapitan ako at halos maalog ang ulo ko dahil sa pagtulak tulak niya sa akin. "Nagbibiro ka ba?!" Hindi makapaniwalang tanong niya, tumawa ako saka kinuha ko ang wallet ko at hinugot ko ang 400 singapore dollars at inabot sa kanya yon.
Nanlaki ang mata niya. "Teka, sobra 'to!" Nabubulol na sabi niya.
"Ipambili mo ng gamit ng anak mo yung sosobra, saka isa pa ipagamot mo ng maayos ang Mama mo." Sabi ko na mas lalong nagpaawang sa bibig niya.
"Makapag anak na nga rin para naman mabiyayaan ni Dannie!" Biro ng isa pa naming kasamahan.
"Kaya si Dannie ang pinaka malaki kumita sa ating lahat dahil grabe rin siyang mag share ng blessings!" Ngiti ni Tony na inirapan ko naman dahil ayan na naman siya sa mga daily devotion niya.
"Ang sabihin niyo wala kasing pinapadalan sa Pinas kaya kung magpamigay ng pera kala mo anak ng may ari ng banko." Mapait na sabi ni Ivone na nagpatahimik sa buong dressing room.
Itong bruha na 'to malapit nang tamaan sa akin, pero totoo ang mga sinabi niya, wala akong pinapadalhan ng sustento o pera sa Pilipinas dahil wala naman na akong pamilya. Kaya lahat ng sinusweldo at kinikita ko simula nang magtrabaho ako ay inihuhulog ko lang sa savings account ko. "Alam mo, Ivone, panira ka ng atmosphere!" Sigaw ni Tony sa kanya saka binato niya iyon ng tissue pero ngumisi lang ito saka lumabas na ng dressing room.
BINABASA MO ANG
Ngayong Gabi [Sebastian Luke Cando]
Algemene fictieWARNING: MATURED CONTENT. The story you are about to read contains disturbing content and may trigger an anxiety response, especially in those who have a history of trauma. Pilit tumatakbo sa madilim na nakaraan si Dannie Prieto, ngunit alam niya sa...