Kabanata 20
"I promise to keep you safe, Sebastian."
Marahan akong inilayo ni Sebastian sa yakap ko sa kanya, sandali siyang lumingon kay Red at parang alam na niya kaagad ang pinag usapan namin.
Hinawakan niya ako sa braso at hinawi niya ang buhok ko patungo sa likod ng tenga ko.
"That's my promise to you." Nakangiting mungkahi niya na para bang wala talaga siyang iniindang bigat sa pagkatao niya. Kumapit ako sa braso niya at napansin niya ang pagkuyom ng kamao ko do'n. Punong puno ng galit ang puso ko ngayon sa mga taong nanakit sa kanya. Hindi ko namalayang tumulo ang luha ko dahil naramdaman ko nalang na pinunasan niya iyon gamit ang palad niya.
"Walang pwedeng manakit sayo habang nabubuhay ako, tandaan mo yan." Aniya na nagpabilis ng pintig sa puso ko, seryoso at may pagbabanta sa boses niya kahit na nakangiti siya. Bigla siyang bumitaw sa akin at may kinuha doon sa loob ng suit niya, napangiti ako dahil isang pirasong white daisy iyon, katulad ng unang bulaklak na ibinigay niya sa akin. Pinahawak niya sa akin iyon at pinagtagpo niya ang mga mata namin.
"Hindi ko alam kung ano ang mga naikwento sayo ni Red." Simula niya, sandali niyang pinagmasdan ang white daisy na hawak ko at may sumilay na magandang ngiti mula sa labi niya.
"Pero may taong nagbigay pag asa sa akin dahil sa bulaklak na 'yan. That person gave me hope when I had lost it." Patuloy niya.
"Inabutan niya ako ng white daisy at sinabi niya sa akin nung araw na marescue kami nila Red, na kahit gaano pa kapangit o kahirap ang nangyari sa buhay ko, palagi ko daw tatandaan na may magagandang bagay pa rin sa mundong ito na makapagbibigay ng kasiyahan sa akin habang nabubuhay ako." Kita ko sa mga mata ni Sebastian ang kasiyahan habang inaalala iyon.
"At gusto ko ding malaman mo na ikaw ang pinaka magandang nangyari sa buhay ko simula nang malagpasan ko 'yon. Yes, what I went through wasn't easy, pero hindi mo na ako kailangang alalahanin pa, hindi na para dagdag alalahanin mo pa. Ikaw ang gusto kong maging maayos, dahil hindi naging madali ang lahat para sayo." Kinagat ko ang ibabang labi ko dahil hindi ko na mapigilan talaga ang luha ko. Sebastian is so selfless, tipong ayaw niyang inaalala siya kahit na kailangan niya.
He cupped my face gently in his hands and stared at me sweetly. "I want you to know that even though life could be hard for you, there's still beauty to be found in this world, and I promise you, I will love you beautifully."
Ewan ko pero mas lalo lang akong naiyak sa mga pinagsasasabi niya sa akin dahil nagsunod sunod ang pagtulo ng luha ko na siya namang pinupunasan niya. Narinig ko namang ngumisi si Red na may halong pang aasar, nakaupo pa rin kasi ito doon sa may dining table.
"Get out, Red." Pagtataboy ni Sebastian sa kanya na mas lalong nagpangisi dito.
"I didn't know that you are such a cheesy baby Sebby." Pang aasar pang lalo ni Red na nagpatawa na sa akin ng tuluyan! Ang kaninang mata ni Sebastian na nakatuon sa akin ay lumipat kay Red.
"Ginagago mo ba ako?"
Tumawa si Red at umiling saka itinaas ang dalawang kamay. "Hindi ako papalag!" Halakhak nito. Hinila ako ni Sebastian at halos mag init ang mukha ko nang ikandong niya ako sa pagkakaupo niya doon sa katapat ni Red. Pansin ko ang pag ngiti ni Red sa amin bago ito uminom ng tubig.
"What time are we leaving?" Biglang tanong ni Sebastian kay Red.
"Your dinner meeting is at six o'clock, tingin ko ay pwede tayong umalis around one in the afternoon." Sagot ni Red sa kanya.
"Alright, I still have an hour and half." Sambit ni Sebastian.
Tumango si Red saka tumayo. "Yes, babalik na muna ako sa office." Paalam niya sa amin.
BINABASA MO ANG
Ngayong Gabi [Sebastian Luke Cando]
General FictionWARNING: MATURED CONTENT. The story you are about to read contains disturbing content and may trigger an anxiety response, especially in those who have a history of trauma. Pilit tumatakbo sa madilim na nakaraan si Dannie Prieto, ngunit alam niya sa...