Kabanata 9
Best birthday gift ever.
Sumilip ako sa bintana nang makarinig ako ng makina ng sasakyan na huminto sa tapat ng apartment ko. Kulay itim na kotse iyon at napatawa pa ako dahil bumaba ang driver mula doon na naka-tuxedo suit pa samantalang napakainit dito sa Pilipinas.
"Ms. Dannie Prieto!" Sigaw ng driver nito, napakunot ang noo ko dahil do'n kaya naman kaagad akong lumabas.
"Sino sila?" Usisa ko mula dito sa itaas.
"Delivery from Mr. Sebastian Luke Cando." Ani nito na nagpaatras sa akin ng bahagya. Isang linggo na ang lumipas at ngayon ko nalang ulit narinig ang pangalan niya. Bumaba ako at nagtungo sa labas. Matangkad at matipuno ang pangangatawan ng driver na ito, masasabi ko ring makisig siya na para bang hindi lang siya simpleng driver ng isang mayamang pamilya, mukha siyang miyembro ng isang mafia group na handang pumatay ano mang oras, napailing nalang ako sa kalokohang pinag iiisip ko.
Marahang iniabot sa akin ng driver ang isang papel, sandali kong tinitigan iyon bago nagpasiyang buksan.
Dannie,
See you tonight. I miss you.
Sebastian
"Pinapasundo ka ni Mr. Cando, to make sure na ligtas kang makakarating sa birthday party niya mamayang gabi."
Ngayong gabi na pala iyon.
Ilang sandali ay narinig ko ang pag-ring ng cellphone ko, si Valeen ang tumatawag.
"Hey! Sunduin ka namin ni Austin later! May susuotin ka na ba?" Bungad niya na nagpabagsak sa balikat ko. "Kailangan ko ba talagang pumunta?" Walang ganang sagot ko habang nakatingin sa driver ni Sebastian na ngayon ay naghihintay ng sagot ko.
"Come on, Dannie, napag usapan na natin 'to last week."
"Wala akong regalo." Dahilan ko.
"So what? Hindi na niya kailangan ng regalo, nasa kanya na ang lahat!" Halakhak ni Valeen.
Muli kong pinagmasdan ang sulat na ibinigay sa akin ng driver.
"So, be ready at 9 o'clock in the evening! Darating kami ni Austin diyan to pick you up! Bye!"
"Saglit!" Pero bigo akong pigilan siya dahil kaagad niyang ibinaba ang tawag.
Ibinalik ko ang tingin sa driver, "Ahm, may I know your good name Kuya?" Usisa ko dahil hindi ko alam kung anong itatawag sa kanya. "I'm Red, Ms. Dannie." Tumango ako at itinupi muli ang sulat na binigay niya sa akin.
"Mr. Red," Ngiti ko, "Pakisabi sa amo mo hindi ko kailangan ng sundo." Patuloy ko sabay tinalikuran ko siya, "Pero—"
Hindi na naituloy ni Mr. Red ang sasabihin dahil isang malakas na pagtalpak ng gate ang ginawa ko. Padabog akong pumasok sa bahay ko dahil sa sama ng loob ko, ewan ko pero hindi ko maiwasang maghimutok dahil isang linggo akong walang nadinig mula sa kanya at pagkatapos ngayon ay ipinadala niya ang driver niya para ipasundo ako?
"No, wala kang karapatang mag demand, Dannie, wala naman kayong relasyon ng lalaking yon." Pagalit ko sa sarili. Napasigaw pa ako ng malakas dahil sa pagkainis.
--
"You look so beautiful." Naiiling na sambit ni Austin habang ngiting ngiting nakatingin sa akin. Kagaya ng sinabi ni Valeen, eksaktong alas nuebe ay nandito nga sila. Nakablack three-piece suit si Austin na sobrang bumagay sa kagwapuhan niya. Si Valeen naman ay nakablack long dress gown din na fitted sa kanyang katawan, bumagay din sa suot niya ang pagkalugay ng mahaba niyang buhok na medyo kulot sa dulo.
BINABASA MO ANG
Ngayong Gabi [Sebastian Luke Cando]
Fiksi UmumWARNING: MATURED CONTENT. The story you are about to read contains disturbing content and may trigger an anxiety response, especially in those who have a history of trauma. Pilit tumatakbo sa madilim na nakaraan si Dannie Prieto, ngunit alam niya sa...