Kabanata 19

1.3K 65 9
                                    

Kabanata 19

Napabalikwas ako ng bangon nang mapansin kong nasa isang malaking kwarto na ako at walang kasama. Inilibot ko ang paningin ko, kwarto ito ni Sebastian dahil may malaking picture siya doon at napailing ako nang maalala ko kung paano ako nag passed out kagabi dahil sa kalasingan. 

Malamang sa malamang ay binuhat ako ni Sebastian patungo dito sa kwarto niya dahil sa naaalala ko ay doon ako nakatulog sa carpet.

Pinilit kong tumayo kahit na nahihilo pa ako para hanapin sana si Sebastian doon sa living room niya pero napapitlag ako nang madatnan ko si Mr. Red na umiinom ng tubig doon sa tapat ng fridge. Nakaramdam naman ako ng hiya.

"Oh, hey. Gising ka na." Bati niya sa akin saka inubos ang tubig sa baso. Nginitian ko siya ng matipid saka sumilip silip ako sa paligid.

"Wala si boss. Maaga siyang gumising para sa monthly board meeting, ibinilin niya sa akin na huwag kang paalisin hangga't wala pa siya." Litanya ni Mr. Red.

"Hmm, uuwi na ako, sabihin mo nalang sa kanya. O kaya itetext ko nalang siya." Nahihiyang sabi ko, umiling si Mr. Red at madaling lumapit sa akin nagulat pa ako nang hawakan niya ako sa balikat ko at pilit pinaupo doon sa dining table kung saan may mga pagkain.

"Hindi ka pwedeng umalis. Malilintikan ako." Halakhak niya saka sinalinan ng orange juice ang basong nasa harapan ko.

"Have some late breakfast, by lunch time nandito na 'yon si boss, alas diyes y media naman na. Malapit lang naman ang opisina niya dito." Sandali ko siyang tinitigan dahilan para matawa siya.

"Don't worry, walang lason yan. Si boss ang nagluto niyan kanina bago siya pumasok, araw araw ka na kayang pumunta dito para araw araw din siyang magluto." Magiliw na sabi ni Mr. Red saka umupo doon sa harap ko. Toasted bread, bacon, ham and egg ang nakahain.

Gusto ko sana munang mag washroom dahil wala pa manlang akong hilamos at mumog manlang. Gulo gulo pa ang buhok ko kaya napahawak ako doon.

"You're still beautiful, h'wag kang mag alala." Puri niya sa akin. "I mean, don't get me wrong, maganda ka pa rin sa paningin ni boss panigurado yan. Kaya kumain ka na, kundi yari ako doon. Halimaw pa naman magalit ang isang 'yon." Napakunot ako ng noo dahil sa mga pinagsasasabi ni Mr. Red.

Nagsimula na akong kumain habang siya naman ay abala doon sa cellphone niya. Pakiramdam ko ay mabibingi ako sa katahimikan kaya naman inilibot ko ang paningin ko sa buong penthouse at masasabi kong mas naappreciate ko ang ganda nito ngayong pasok na pasok ang liwanag doon sa glass window. Tanaw din ang kabuuan ng city mula dito.

Bumaling ako kay Mr. Red, naisipan ko kasi sana na sa kanya ko nalang itanong ang nangyari sa kanila ni Sebastian twenty years ago. Para alam ko kung ano ang mga dapat kong iwasan para hindi umatake ang anxiety niya.

"Uhm, Mr. Red?" Tawag ko, kunot noong nag angat siya ng tingin sa akin. "Masyado tayong formal, call me Red nalang. Parang kapatid ko lang din naman si boss." Ngiti nito sa akin.

Lumunok ako at tinignan siya. "Okay, Red..." Tawag ko dito na siyang tinanguan naman niya.

"Sorry kung sayo ko 'to tatanungin ha? Ikaw lang kasi yung naisip kong tao na makakapag kwento sa akin kung anong nangyari twenty years ago." Simula ko, halatang nagulat siya pero kaagad nakabawi.

"Nagkwento siya?" Biglang sumeryoso ang aura ni Red.

"Actually, hindi natuloy. Para siyang nagkaroon ng panic or anxiety attacks bago pa niya mabuo yung kwento, basta ang sabi lang niya na-kidnapped daw kayo?" Patuloy ko, huminga ng malalim si Red.

"That's the first time kung sakaling nabanggit niya sayo. Ayaw niyang pag usapan ang bagay na 'yon, kahit mga pulis noon ay hindi siya napilit magkwento." Napalunok ako dahil doon palang alam ko na kaagad kung gaano kabigat ang nararamdaman ni Sebastian na pilit niyang tinatabunan.

Ngayong Gabi [Sebastian Luke Cando]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon