Kabanata 16
Nakaalalay pa din siya sa akin patungo sa hagdan, "T-teka, saan ka pupunta?" Pigil ko sa kanya.
"Ihahatid kita sa itaas."
"No, kaya ko naman na. Baka makahalata si Mr.Red." Pag aalala ko, ngumisi siya.
"Don't worry about him, come on." Aniya at nauna pa siyang umakyat sa hagdan na hilahila ako, nagpatianod na lamang ako.
Mabilis siyang pumasok sa washroom sa kwarto ko at binuksan ang shower doon, pinakiramdaman niya muna ang temperature ng bagsak ng tubig at saka inalalayan akong tumapat doon at laking gulat ko nang maging siya ay tumapat din sa shower.
"Hey!" Hiyaw ko sa kanya.
"Let's shower together para mabilis! Para hindi maghintay ng matagal si Red sa baba." Ngisi niya na nagpalaglag sa panga ko.
"Really, Sebastian? Akala ko ba, don't worry about him?" Sarkastikong sabi ko na siyang tinawanan niya lang.
"Sige na, maligo na tayo, promise ligo lang. Huwag mo na akong akitin pa." Nanlaki ang mata ko kaya naman hinampas ko siya sa dibdib niya na nagpahalakhak na naman sa kanya. Kinuha niya ang shampoo at napailing nalang ako nang simulan niya akong shampoo-han.
--
"Good morning," Bati ni Mr.Red sa amin, kaagad kinuha ni Sebastian ang paper bag.
"Magpapalit lang ako saglit." Paalam niya sa akin at pumasok ulit sa loob ng bahay ko, naiwan kaming dalawa ni Mr.Red sa labas at nababalutan ako ng hiya dahil alam kong matagal siyang naghintay dito.
Napansin kong nakatingala siya sa bahay ni Russel.
"Kumusta naman yung nakatira dito?" Biglang untag niya at bumaling sa akin.
"Uhm, okay naman. Mabait." Matipid na sagot ko, halos magkasingtangkad sila ni Sebastian kaya naman nakatingala ako kung kausapin siya, tumango siya at ngumiti. "Dapat lang maging mabait siya kung ayaw niya ng problema sa buhay." Ngumingising aniya.
Kumunot ang noo ko na agad naman niyang napansin. "Sorry, ang ibig ko lang sabihin yari siya kay boss kapag ginawan ka ng kagaguhan niyan." May halong pagbabanta ang sinabi niya, magsasalita pa sana ako pero lumabas na agad si Sebastian at siya na mismo ang naglock ng pinto at gate ko.
"Thanks, Red, bakit nandito ka pa?" Nakapamulsang ani Sebastian sabay iniabot ulit ang paper bag na dala ni Mr.Red kanina na sa tingin ko ang laman ay damit niya mula kahapon, he is wearing a plain black polo shirt and khaki shorts. Kahit ano yatang suotin nitong lalaki na 'to eh gwapo talaga siya.
"Ayoko sanang sirain ang leave mo ngayon, pero may lead na sa pinapahanap mo." Ang kaninang nagbibirong boses ni Mr.Red ay naging seryoso, napansin kong kumunot ang noo ni Sebastian at marahan siyang bumaling sa akin bago muling tumingin kay Mr.Red.
"Let's not talk about that here, may lakad kami, just go home tatawagan nalang kita mamayang gabi." Seryosong sagot ni Sebastian saka tinapik sa balikat ito bago pa ako tuluyang pinagbuksan ng pinto ng kotse niya.
Buong pagtataka akong sumakay doon at nang makasigurado siya na nakaupo na ako sa loob ay mabilis niyang sinara iyon. Pinagmasdan ko silang dalawa ni Mr.Red na seryosong nag uusap, kita sa mga mata ni Sebastian na naiinis siya at mukhang hindi natutuwa sa mga sinasabi ni Mr.Red, inilabas pa ni Mr.Red ang cellphone at para bang may ipinakita siya doon na mas lalong nagpapait sa expression ni Sebastian.
Ilang sandali pa ay nagkamayan na ang dalawa at sumakay na rin siya.
"I'm sorry natagalan." Ang kaninang seryosong expression niya ay napalitan ng matamis na ngiti nang dumako ang mga mata niya sa akin.
BINABASA MO ANG
Ngayong Gabi [Sebastian Luke Cando]
Ficción GeneralWARNING: MATURED CONTENT. The story you are about to read contains disturbing content and may trigger an anxiety response, especially in those who have a history of trauma. Pilit tumatakbo sa madilim na nakaraan si Dannie Prieto, ngunit alam niya sa...