DISCLAIMER: I hereby declare that I do not own the rights to this picture. All rights belong to the owner. No Copyright Infringement Intended.
Kabanata 15
Marahan kong iminulat ang mabigat kong mata. Bahagya akong napangiti nang makita kong nakaunan ako sa braso ni Sebastian habang nakadantay ako sa magandang hubog ng katawan niya. Sandali akong sumilip sa wall clock at napailing ako nang makitang alas nuebe na ng umaga. Masakit ang katawan ko ngayon dahil humirit pa ng second round si Sebastian at kagaya pa rin ng dati, mas matagal siyang labasan kapag second round na.
Halos sumuko na nga ako ngunit hindi pinayagan ni Sebastian na mangyari iyon, sa halip ay sinigurado niyang kumportable ako sa lahat ng posisyon na naiisipan niya. Sandali ko siyang pinagmasdan na ngayon ay himbing na himbing pa rin sa pagkakatulog, napaka gwapo lang ng gago kahit anong anggulo.
Huminga ako ng malalim dahil napapansin ko na sa tuwing nakakatabi ko siya sa kama ay nakakatulog ako na hindi iniisip ang mga nakaraan ko. At hindi ko alam kung paano ko nagagawang ipaubaya sa kanya ang katawan ko na hindi iniisip ang mga lamat na nangyari sa akin.
Nagulat ako nang bigla siyang gumalaw at tumagilid sabay idinantay sa akin ang kanyang mabigat na binti, pinanlakihan ako ng mata nang maramdaman ng balat ko ang galit na galit na pag aari niya!
Dahan dahan akong lumayo sa kanya bago pa siya magising saka pinili kong bumangon na at hinila ang nighties ko na nakakalat sa sahig upang magbihis, dinampot ko na rin ang ibang damit niya at inilatag ng maayos iyon sa kama kung saan ako nakapwesto kanina.
Bumaba na ako at inayos ko sa isang flower vase ang daisy na dala ni Sebastian saka ipinatong ko iyon sa may kitchen island. Nagsimula na rin akong magluto ng agahan namin, simpleng toasted bread at bacon and egg lang iyon.
Nasa kalagitnaan na ako ng pag iinit ng tubig sa kettle nang marinig ko ang pagbaba ni Sebastian mula doon sa spiral stairs, lumingon ako sa kanya at hindi ko masanay ang mga mata ko gwapong nilalang na ito, he's half naked and only wearing his black boxer short. Hindi ko alam kung paano ko siya babatiin dahil sa hubad niyang katawan, masyado akong nadadala ng abs at biceps niya, kaya bago pa niya tuluyang mahuli ang mga mata ko ay tumalikod na ako at nagkunyaring may hinuhugasan doon sa sink.
"Hey," He greeted me in a husky voice, buong lakas ng loob akong humarap sa kanya at nakita kong nakatuon ang mga mata niya doon sa pagkain na nasa kitchen island.
"Oh, hey. Good morning, kain na tayo?" Napansin kong napatingin siya sa leeg ko at sigurado akong yung markang ginawa niya kagabi ang tinitignan niya, pero mas napalunok ako nang mapansin kong meron din siya sa leeg niya na kagagawan ko rin.
Tumikhim siya bago muling nagsalita, "I'm sorry, simula kagabi ikaw na ang nag asikaso. Ako na dapat ang nag- prepare ng breakfast."
"No, it's okay. Sanay naman akong nagluluto, lalo na nung nasa Singapore pa ako." Sambit ko saka kinuha yung pagkain at inilagay doon sa center table sa may receiving area. Sinundan niya ako ng tingin bago siya tumungo doon sa kitchen island upang ituloy ang pagtitimpla ko ng kape.
BINABASA MO ANG
Ngayong Gabi [Sebastian Luke Cando]
Ficción GeneralWARNING: MATURED CONTENT. The story you are about to read contains disturbing content and may trigger an anxiety response, especially in those who have a history of trauma. Pilit tumatakbo sa madilim na nakaraan si Dannie Prieto, ngunit alam niya sa...