Kabanata 10
Sampung Minuto
Sumimsim ako sa hawak kong red wine at huminga ng malalim. Sandali kong hinaplos ang hita ko upang pakalmahin ito dahil pakiramdam ko ay naubos ang lakas ko. Sampung minuto, iyan ang hiningi niya sa akin kanina upang pareho kaming matapos sa sukdulan. I don't know how he do that, kapag sinabi niyang ganitong minuto ay kaya kitang paligayahin, totoong kaya niya walang labis o kulang sa sampung minuto na iyon.
"Are you okay?" Biglang sambit ni Valeen sa tabi ko ngayong nakaupo na kami at nakikinig sa speech ni Sebastian na tungkol sa business na naman. Wala ako sa ulirat upang intindihin ang mga sinasabi niya ngayon.
"Uhm, yeah, medyo tinatamaan lang siguro ako nitong iniinom natin?" Palusot ko, ngumiti si Valeen at hinaplos ang braso ko. Kanina ay inusisa na rin niya ako tungkol sa bagong dress na suot ko pero sinabi ko na lamang na may nabilhan ako sa baba ng hotel dahil basang basa ang unang dress ko na natapunan ng alak. Mabuti na lamang ay pinaniwalaan niya iyon at hindi na ako kinulit pa.
Ibinaling ko ang tingin kay Sebastian na mukhang mas lalong kumisig ngayong masaya siyang nag i-speech doon. Dumako ang mata niya sa akin at hindi nakaligtas sa akin ang pasimpleng kindat niya na nagpalunok sa akin.
"Washroom lang ako." Paalam ko kay Valeen pero ang totoo ay gusto kong magyosi para kumalma at makahinga ng maayos. Bumaba ako at nagpunta sa smoking area kung saan may mga babae ring nagyoyosi, mabilis kong sinindihan ang yosi ko at humithit non, para akong binunutan ng malaking tinik nang sa wakas ay nakahithit at buga ako ng yosi.
Pakiramdam ko ay masyado na akong umaasa sa mga bagay na hindi naman dapat. Naghahangad ako ngayon na makausap si Sebastian upang malaman kung mayroon ba akong dapat asahan, ngunit mabilis sumasagi sa isip ko na wala naman akong karapatang mag demand sa kanya dahil alam kong hindi naman ako karapat dapat para sa kanya. Masaya akong ibigay sa kanya ang lahat ng sa akin basta alam kong magiging masaya siya.
"Girl, nagpasikip ako." Napakunot ang noo ko nang hindi ko sinasadiyang madinig ang pinag uusapan ng dalawang babaeng nasa gilid ko. Tinuloy ko ang pagyoyosi habang nakikinig sa kanila.
"Gaga ka talaga!" Bungisngis ng isa. "Ang kailangan ko nalang ngayon ay magkaroon ng alone time with Sebastian." Parang mas lalong lumaki sa pakikinig ang tenga ko nang banggitin nito ang pangalan ni Sebastian.
"Umaasa ka pa rin talaga na papansinin ka no'n? Saksakan ng suplado." Ani ng isa, sandali pa silang nagtawanan saka umalis.
"Kailangan nating iiwas ang anak natin sa katulad ng babaeng yon." Gigil na sambit ng isang babae sa likod ko, napalingon ako at nakita ko ang dalawang babae na pusturang pustura. Ang isa ay nakahawak sa yosi niya habang masama ang tingin doon sa dalawang babae na kanina ay pinag uusapan si Sebastian, masungit ang itsura nito. Ang isa naman ay nakahalukipkip lang at mukhang medyo nilalamig na, maamo ang mukha nito na para bang natatawa nalang sa sinasambit ng kasama niya.
"Come on, Briana, kumalma ka nga." Ngisi nung babaeng maamo ang mukha.
"Claire, alam mo namang hindi ko pa kayang mag asawa ang anak natin. Jusko, he will always be my baby boy at alam kong sayo rin, aminin mo!" Natatawang ani nito.
Ngumisi ang isa, "Hay naku, halika na sa loob, kapag nakita ka na naman ng anak natin na nagyoyosi eh mapapagalitan ka na naman no'n." Suway niya, ngumuso naman ang masungit na babae at saka muling humithit ng yosi bago pa itapon iyon, bumalik na rin sila sa loob ng hotel.
Napangiti nalang ako sa dalawang iyon dahil sa napaka overprotective nila sa kanilang anak. Napansin kong paubos na ang yosi ko kaya naman muli akong nagsindi ng isa pa pero bago ko pa mahithit iyon ay may kumuha na no'n.
BINABASA MO ANG
Ngayong Gabi [Sebastian Luke Cando]
General FictionWARNING: MATURED CONTENT. The story you are about to read contains disturbing content and may trigger an anxiety response, especially in those who have a history of trauma. Pilit tumatakbo sa madilim na nakaraan si Dannie Prieto, ngunit alam niya sa...