Kabanata 23

1.8K 74 18
                                    

Kabanata 23

Nakadapa kami ngayon ni Sebastian sa kama habang pinagmamasdan ko ang pag guhit niya ng isang bulaklak doon sa puting papel gamit ang lapis niya. Matapos kasi naming maglakad lakad kanina at mag usap sa labas ay niyaya na niya akong pumasok dito sa kwarto, nagpahatid siya ng pagkain at doon ko naramdaman ang gutom. Pagkatapos naming kumain ay napagpasiyahan na rin naming maligo ng sabay.

"Hey, you're good ha!" Puri ko, dahil sa totoo lang ay napakagaling niyang mag sketch kahit na bulaklak lang 'yon. Tumawa lang siya.

"You should try doing it, nakakawala ng stress." Aniya, nangulumbaba ako habang naka cross ang binti ko sa ere sa pagkakadapa saka inilingan ko siya. "Not my talent."

"Kaya mong mag-drawing ng tao?" Natigilan siya sa tanong ko na para bang may mali doon, pero kaagad namang nakabawi.

"Sort of." Matipid na sagot niya pero duda ako dahil sa bawat hagod niya doon sa lapis ay masasabi kong kahit ano ay para bang kaya niyang iguhit.

Napakunot ang noo ko sa ginuguhit niyang bulaklak dahil mabubuo na 'yon.

"Is that Dahlia?" Hindi siguradong tanong ko sa kanya, tinignan niya ako.

"How did you know?" Tawa niya.

Huminga ako ng malalim, "Kilalang kilala ko ang bulaklak na 'yan. Pangalan ng Nanay ko 'yan e."

"Really?" Kunot noong tanong niya, tinanguan ko siya saka hinila ko ang isang unan para yakapin at tumihaya na ako ng higa.

"Dahlia and Niel. Dannie." Natatawang kwento ko kung saan nagmula ang pangalan ko. Naramdaman kong muli siyang napalingon sa akin pero nagpatuloy sa pag guhit.

"Yung kamay ng Nanay ko akala mo may magic. Napakagaling mag alaga ng mga bulaklak, kaya nga isa 'yon sa negosyo nila ni Tatay noon." Kwento ko sa kanya, sandali pa niyang tinapos ang dino-drawing saka ipinatong 'yon sa bedside table at hinila na ako para yakapin, inunan ko naman ang dibdib niya.

Tumingala ako para pagmasdan ang mukha niya, "Sayang nga lang at hindi mo na sila makikilala."

Tumikhim siya at hinawakan niya ang kamay ko na nakapatong sa dibdib niya saka nilaro-laro iyon. "If you don't mind, ano bang kinamatay ng Nanay at Tatay mo?" Usisa niya.

Sandali akong natigilan, isinuksok ko ang mukha ko sa mainit na yakap niya at gumanti na rin ako ng mahigpit na yakap sa kanya.

"Bata pa ako no'n, anim na taon palang. Pero tandang tanda ko kung paano ibinalita sa akin 'yon ng Tiyahin ko. Nasagasaan daw si Nanay at sinubukang habulin ni Tatay para iligtas si Nanay, pero parehas lang din daw sila ng sinapit, ayokong maniwala hanggang sa nakita ko nalang na nasa kabaong na sila." Naramdaman kong mas lalong humigpit ang yakap sa akin ni Sebastian at hinalikan ang buhok ko ng sobrang diin.

"I'm sorry to hear that." Malungkot ang boses niya, umiling na lamang ako at pumikit upang tabunan ang lungkot na nararamdaman ko sa pag alala sa mga magulang ko.

"Inaantok na ako." Mahinang bulong ko.

"Magpahinga ka na."

"Ikaw din. Sorry ulit, napagod ka kakaintindi sa akin buong araw." Mungkahi ko at mas lalong yumakap sa kanya hanggang sa tuluyan na akong lamunin ng antok.

Kinaumagahan nagising ako na mag isa lang sa kwarto, napansin kong alas diyes na pala. Nagbaka sakali akong makita siya sa banyo pero wala siya doon. Naamoy ko lang ang naiwang amoy ng pabango niya sa buong kwarto at ang hinubad niyang damit ay nakatiklop doon sa couch. Nagpasiya akong maligo at lumabas dahil baka nandoon lang siya at nagpapahangin. Pero nang makalabas ako ng kwarto si Red lang ang nakita ko na nakatayo doon sa may pool at pinapanood ang mga naliligo habang naninigarilyo. Lumapit ako sa kanya at nang mapansin niya ako ay mabilis niyang pinatay ang sindi ng yosi gamit ang sapatos niya.

Ngayong Gabi [Sebastian Luke Cando]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon