'Reena!!!'
'Mahal Na Prinsesa!!!'
'Kamahalan!!!'
''Yan lang ba ang makakaya mo? Akala ko pa naman napakalakas mo! 'Pag wala pala ang buwan, wala ka ring kapangyarihan! Hahaha!'
Lumapit sa kanya si Glair, hinawakan ang pinakamamahal ko sa kanyang buhok at pinagsasaampal siya!
'D'yosa ng Buwan... Tulungan mo po kami..!'
Ang munting hiling ni Reena sa isipan niya.
And a flash of light beamed to her making everyone blind for a second! The next thing was shown, a whole page dedicated to my beautiful waifu where she was floating in midair. Her eyes turned white, unwounded anymore like nothing really happened earlier, and now ready to fight!
"Ang ganda talaga ng asawa ko! Lalo na 'pag nasa Divine Mode siya!" Komento ko. "Humanda ka na, Glair! Matitikman mo na ang ganti ng api!" Dagdag ko pa sabay tawa. Hahaha!
Nakaka-excite talagang basahin itong manga ni Sir NatGon. Kahit ilang beses ko na itong nabasa, nagugulat pa rin ako sa mga nangyayari!l. Na parang unang beses ko pa rin itong babasahin. At lagi kong inaabangan ang scenes ng waifu kong si Reena, My Loves! Hahaha!
Nilipat ko na sa susunod na pahina ng manga't tinuloy ang pagbabasa ko. Nang biglang may kumatok at nagbukas ang pinto ng kwarto ko.
"Kuya Sin, kain na raw tayo ng dinner sa baba!" Tanong sa'kin kapatid kong sumunod sa'kin.
"Ano niluto ni Mama, Cos?" Tanong ko pa sa kanya.
"Adobong manok." Sagot naman niya.
"Si Tan, nakauwi na ba?" Tanong ko pa.
"Hindi mo pa ba nababasa 'yong message niya kanina sa group chat natin? Doon daw siya kina Billy magdi-dinner at magpapalipas ng gabi." Sagot naman niya.
"At pinayagan naman siya ni Mama?!" Ang hindi makapaniwalang tanong ko naman sa kanya.
"Oo." Sagot naman niya. "Hayaan mo na, hindi naman mabubuntis 'yon." Dagdag niya pa sabay tawa.
"Hindi nakakatawa, Cos." Sabi ko't nagkibit-balikat lang siya.
"So, sasabay ka ba samin ni Mama, o itutuloy mo ang pagbabasa mo?" Tanong niya pa sa'kin.
"Sige na, susunod na ako." Sagot ko naman at nilapag ko na sa kama ang manga ko para sumunod sa kanya sa dining.
"Mama, bakit n'yo naman po pinayagan si Tan mag-overnight kina Billy?" Tanong ko naman kay Mama habang kumakain kami.
"Sinubsob ni Tan ang sarili niya sa pag-aaral para makapasa sa board exam sa first take niya. Hayaan mo siyang i-enjoy nag lovelife niyang isinantabi niya noong nag-aaral pa siya." Sagot naman ni Mama sa'kin.
"Ikaw, wala ka bang balak magkaroon ng lovelife, Sin? 28 ka na't wala ka pang pinapakilalang girlfriend sa'kin, sa'min! Wala ka bang balak mag-asawa, anak?" Tanong pa sa'kin ni Mama. "Naunahan ka pang magkajowa nina Cos at Tan!" Dagdag niya pa.
And those scenes play back in my mind again. And I did everything to shake it in my head.
"May mga pinakilala na po ako sa inyo, ah. Una, si Hermione. Pangalawa, si Yuna. At pangatlo po 'yong asawa ko ngayon na si Reena!" Sagot ko naman.
"Pero, anak, lahat ng pinakilala mo sa'min ay mga fictional characters mula sa libro, sa video game, at sa manga!" At totoo naman ang sinabi ni Mama. "Ayaw mo ba sa totoong tao, anak?" Tanong niya pa sa'kin.
BINABASA MO ANG
Fictional (BL)
FantasyIf you've been given a Ticket To Forever, to whom will you use it? In Sin's case, he used it to the heroine from his fave Fantasy manga. But a different character pops out of it, entering the Real World, and his life. Will Sin continue this road to...
