Habang nagsusulat ako'y biglang may lumitaw na scroll sa harap ko na ikinagulat ko.
Wrong timing naman ang pagdating nito!
"Oh! You have a delivery! Is it from Xerxes Merchandise? What did you buy there?" Tanong ni Rivos habang lumalapit sa'kin. Kaya agad kong kinuha ang scroll at nilagay ito sa cabinet ng study table ko. Bayad na naman 'to kaya pwedeng mamaya ko na buksan 'pag umuwi na ang isang 'to.
"Wala lang 'to! Magsusulat na ako, bumalik ka na rin sa pagsusulat ng story mo!" Sabi ko sa kanya pero hindi niya ako pinansin. Lumapit pa rin siya sa'kin at kinulit ako.
"Is that your Christmas gift for me? Can I take a peek?" Tanong niya pa.
"Hindi pwede." Sagot ko naman.
"Can I ask for some clues on what's that?" Pangungulit niya pa.
"Bawal." Sagot ko naman. "Sige na, Rivos. Bumalik ka na doon. 'Wag na makulit. Hindi pa ako tapos sa trabaho ko." Dagdag ko pa.
Iki-kiss na sana niya ako pero agad akong umiwas.
"Anong date?"
"Fine. April 6, 572."
Sinubukan niya ulit akong halikan pero umiwas pa rin ako.
"Mali."
"Uhm... April 6, 257!"
At umiwas ulit ako sa pangatlong pagkakataon.
"Mali pa rin."
"April 2, 567?"
At naghintay siya ng sagot ko.
"Try mo." Sagot ko naman.
On his fourth attempt, umiwas ulit ako na ikinainis niya't tinawanan ko lang siya. Hahaha!
"Ewan ko sa'yo, Rivos. Hindi ko lang pina-recite 'yan sa'yo nang ilang araw, nakalimutan mo na agad!" Reklamo ko sa kanya.
At nagkandalabu-labo na nga ang mga numbers sa kanya. Hanggang sa mainis na siya't umalis sa likod ko. Hahaha!
Akala ko, sumuko na ang loko. Pero kinuha lang pala ang volume 10 ng Moon para tingnan ang petsa kung kailan nangyari ang Purple Moon doon.
"April 6, 725!" Sabi niya with full confidence habang naglalakad pabalik sa'kin.
"Ayoko! Madaya ka!" Angal ko naman sa kanya.
Hanggang sa makalapit na nga siya sa'kin at sinubukan akong halikan na iniiwasan ko naman.
"Please? Promise I won't forget it again!" Sabi naman niya. Tinanguan ko siya't hindi na ako umiwas nang subukan niya ulit akong hal'kan.
At first, I thought it was just a peck. But as I could see it, he wanted more and I can't reject him 'coz I've already rejected him so many times earlier.
And I want it, too...
He pushed my chair till we reach the wall, and he starts inserting his tongue inside my mouth inviting my own tongue to play with him. And I did what he wanted.
I dunno how long we kissed, I just broke from it when I remembered I still have an article to finish.
"Are you sure you could still work in that state?" Tanong sa'kin ni Rivos.
He's referring to that thing he awakened.
Minura ko siya't tinawanan niya lang ako.
"Fine, I'll let you work now." Sabi niya pa. Aalis na sana siya nang hawakan ko siya sa braso niya.
BINABASA MO ANG
Fictional (BL)
FantasiIf you've been given a Ticket To Forever, to whom will you use it? In Sin's case, he used it to the heroine from his fave Fantasy manga. But a different character pops out of it, entering the Real World, and his life. Will Sin continue this road to...
