Chapter 29

340 5 0
                                        

1, 2, 3, snap!

1, 2, 3, snap!

1, 2, 3, snap!

"Ok! Tara na!" Sabi ko pagkatapos naming mag-selfie.

"Wait! Take some on my phone, too! So, I could look at it when I get back inside the manga!" Sabi ni Rivos at 'yon nga ang ginawa namin.

Oo, umaasa kaming madadala niya ang spacial bracelet niya kasama ng mga laman nito sa loob ng manga. 'Yong manap niya? Iiwan na raw niya sa'kin para may contact pa rin daw ako kina Flyne. Kunin na lang daw niya sa'kin ulit 'pag nakabalik na siya dito sa Real World.

At sana'y makabalik talaga siya...

"Ma, alis na po kami!" Paalam ko't bumeso na ako kay Mama.

"We're leaving now, Ma." Paalam naman ni Rivos na bumeso rin kay Mama.

"Ang gwapo naman ng anak ko. Kamukhang-kamukha mo talaga 'yong nasa manga!" Sabi Mama habang tinatapik ang mga balikat ni Rivos.

"'Coz that's really me po, 'Ma." Sabi naman ni Rivos.

"Ma, ako po 'yong tunay n'yong anak! Hindi po si Rivos!" Reklamo ko't nagtawanan kami.

"Wow!" Komento ni Tan habang bumababa ng hagdan. "Kuya Sin, aalis na kayo ni Kuya Rivos? Pa-picture muna ako sa inyo! Ipo-post ko sa FB!" Request niya pa't 'yon nga ang ginawa namin. Sumama na rin sina Mama't Cos sa picture, at kumuha rin ng ilang selfies namin si Rivos gamit ang phone niya.

Bago kami umalis, niyakap muna ni Rivos sina Mama, Cos, at Tan at nagpaalam na rin siya dahil hindi namin alam kung makakasama pa siya sa'kin pauwi.

"Please, take care of Sin when I'm gone." Ang huling habilin niya sa kanila.

"Kuya Rivos, mami-miss kita..." Sabi ni Tan sabay yakap ulit kay Rivos. At niyakap rin siya nito pabalik.

"Kuya Rivos, 'wag kang mag-alala kay Kuya Sin. Kaming bahala sa kanya habang wala ka pa." Sabi naman ni Cos at nag-bro hug silang dalawa.

"Balikan mo ang anak ko, ah?" Sabi naman ni Mama na maluha-luha na.

"Yes, Ma, babalikan ko po si Sin." Sagot naman ki Rivos. Nagyakapan sila ni Mama't doon na bumuhos ang mga luha niya. Medyo naluha na nga rin ako, eh.

Sunod na pinuntahan namin ay ang  naging bahay ni Rivos sa pananatili niya dito sa Real World.

"Thanks, Dad, for everything."

"Thanks, too, for treating me like your real father."

At nagyakapan din silang mag-ama.

"Come back, okay? Even if it's not for me, but for Sin." Sabi ni Dad.

"Yes, Dad, I'll come back here. Take care of yourself, okay?" Sabi ni Rivos at tumango naman si Dad sa kanya. "Kuya Randy, Tracy, please take care of Dad when I'm gone." Pakiusap pa ni Rivos sa mga assistant ni Dad.

"Syempre naman! Parang ama na rin turing namin sa kanya. Kaya 'wag kang mag-alala!" Sabi ni Kuya Randy.

"Bumalik ka dito, Rivos, ah!" Sabi naman ni Tracy na kanina pa umiiyak.

At may bumusina na sa labas ng bahay nila. Nasa labas na ang bi-nook naming sasakyan papuntang SMX.

At nagpaalam na nga kami sa kanila.

"I'll wait for your return, son."

"Please do wait for me, Dad."

At nagyakapan ulit sila.

Saktong 12 na kami nakarating sa SMX kaya naisipan muna naming kumain ng lunch bago pumasok sa loob ng event.

At habang nakapila nga kami'y maraming nagpapa-picture sa'min.

Fictional (BL) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon