Chapter 14

389 5 0
                                        

["I hereby declare that a non-fantasy human, Mr. Nathaniel Gonzaga, and a dwarf, Mrs. Itzah Joesat, to be Rivos Lunadel, a fictional character from the manga, Moon's disguised parents!"]

Sabi ni Sir Francis, at nagpalakpakan ng mga audience.

Yeah, si Mrs. Joesat ang napili ni Tito Nate na maging disguised mother ni Rivos. Bakit? Tinanong kasi sila ni Tito Nate kung gaano pa kahaba ang lifespan nila. Mayroong immortality ang High Elf na si Ms. Aeoli, samantalang may nalalabi na lang na less than 150 years ang dwarf na si Mrs. Joesat. Dahil dito, siya ang napili ni Tito Nate at sa susunod na lang daw si Ms. Aeoli.

"You're watching it like you're not there to watch it live." Sabi ni Rivos na umupo sa tabi ko.

"Big deal talaga ang disguised birth certificate filing sa mga Fantasy People, no? Nagpa-event pa sina Mr. and Mrs. Joesat sa Fantasy Mall para lang doon! At may media pa!" Komento ko.

"It's a very important event for them, especially to those races that exceeds Non Fantasy People's lifespan. Let's just respect it." Sabi naman ni Rivos.

"Ikaw, doon sa manga mo, may immortality rin kayong mga High Elves, 'di ba?" Tanong ko naman sa kanya.

"As long as no one will try to kill us, yeah. Why?" Tanong naman niya.

"So, 'pag sinagot pala kita't tumanda tayo, maiiwan kitang mag-isa?" Tanong ko sa kanya.

"Don't be bothered by it. It's not like you'll be the one who'll be left out, anyway." Sabo naman niya.

"Okay lang sa'yo 'yon?" Tanong ko pa.

"I've already accepted the fact that you'll leave me first the moment I fall for you." Sagot naman niya. "But, yeah, I can't say I'm ready for it." Dagdag niya pa. "So, don't leave me anytime soon. I still can't take it. At hindi mo pa ako sinasagot." Dagdag pa ni Rivos.

"At sino namang nagsabing sasagutin kita?" Pang-aasar ko naman aa kanya.

"Just wait! One of these days, I'll get your yes and we'll be boyfriends!" Confident na sagot naman niya. Mukhang may pinaplano ang loko, ah! Let's see...

Pero...

Lumipas ang mga araw pero wala na siyang paramdam sa'kin. Ni hindi na nga siya pumupunta dito sa bahay, eh! Which is weird for him!

'Bakit hindi mo
sinasagot mga
tawag ko?'

Chat ko sa kanya. Nagdeliver naman 'yong message. Pero hindi naman niya binasa. Hindi talaga ako pinapansin ng gago! Sinubukan ko ulit siyang tawagan pero hindi pa rin niya sinasagot!

'Busy ka ba?'

Delivered pero hindi pa rin niya binabasa!

Kaya si Tracy na ang tinawagan ko.

"Hello, Tracy? Pasensya na sa istorbo. Nand'yan ba si Rivos? Hindi niya kasi sinasagot mga tawag ko, eh." Tanong ko sa kanya nang sagutin niya ang tawag ko.

["Uhm... Baka busy lang siyang magsulat ng story niya sa Wattpad?"]

"Pero ilang araw na siyang walang update 'yong story niya, eh!" Sabi ko naman.

["Baka may writer's block?"]

At hindi ako kumbinsido sa sagot ni Tracy.

["Is that Sin? Let me talk to him."]

Boses ni Tito Nate. At inabot naman ni Tracy ang phone sa kanya.

"Hello po, Tito Nate! Pasensya na po kung naistorbo ko kayo." Sabi ko sa kanya't okay lang daw.

Fictional (BL) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon