If you've been given a Ticket To Forever, to whom will you use it?
In Sin's case, he used it to the heroine from his fave Fantasy manga. But a different character pops out of it, entering the Real World, and his life.
Will Sin continue this road to...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
* Picture For Reference : Warwick from LOL *
Agad akong nagpadulas sa ilalim niya nang makita kong nag-leap forward na siya papunta sa'kin para sagpangin ako. At habang nagpapadulas ako'y inasinta ko ang puso niya't tumama naman ang magic arrow ko dito.
Agad din akong naka-recover at pinana ulit siya mula sa likod.
Konti lang ang bawas sa HP bar niya kahit ilang beses ko na siyang natamaan ng magic arrows. Makapal talaga ang balahibo niya.
Humarap sa'kin ang werewolf at mabilis na tumakbo palapit sa'kin para kalmutin ako. Tumalon ako para ilagan ito't pinana ulit siya. Pero this time, sa ulo naman na ikinadaing niya. Head shot! Konti lang ang bawas sa HP niya. Pero okay na 'yon para sa isang magic arrow lang.
Mabagal siyang naglakad palapit sa'kin habang nag-iipon ng energy sa panga niya't ginamit ko naman ang pagkakataong ito para pumana ng mga stamina rabbits at mana birds habang dumidistansya sa kanya. At bago pa mag-three seconds, tumalon na ako palayo sa kinatatayuan ko dahil aatake na siya para sagpangin nga ulit ako. At tama lang ang timing ko.
May split second delay bago niya isara ang bibig niya't 'yon ang hinihintay ko para pakawalan ang magic arrow na hawak ko.
Yes! Mataas ang damage!
At tumakbo ulit ang werewolf palapit sa'kin para kalmutin ako. Nang kakalmutin na niya ako'y nag-skip lang ako patalikod ng isang beses at pinana ko ulit siya sa ulo niya.
Leap bite, scratch, charged bite, tapos scratch ulit! 'Yan ang pattern ng attacks niya gaya sa mga napanood ko. At nakipaglaro lang ako sa kanya hanggang sa nangalahati na ang buhay niya't pumasok na siya sa second phase niya.
"Awooooooooo!" Alulong nito't may mga nag-spawn na random animals sa paligid. Konti lang naman ang lumabas dahil nakadepende ang spawn sa dami ng contestants na lumalaban sa kanya. Pati na rin ang laki ng HP niya. At dahil ako lang ang kalaban niya'y apat lang ang lumabas.
Aatakihin niya ang mga 'to para ma-restore ang HP bar niya. At syempre, hindi ko hahayaang mangyari 'yon.
Una niyang aatakihin ang mga normal animals, sunod ang mga stamina rabbits, huli ang mga mana birds! At inagaw ko sa kanya lahat ng balak niyang atakihin. Pinapana ko na ang mga ito bago niya pa malapitan o makain. Kaya lang, may na-miss akong isa dahil nakatalikod siya sa'kin nang atakihin niya 'yon! Isang rabbit 'yon kaya mas mataas ang recovery no'n sa kanya.
Nang maubos na namin ang mga hayop sa paligid ay ako naman ang pinuntirya niya!
Nag-dash siya palapit sa'kin para kalmutin ako't tatlong beses niyang ginawa 'yon. Thank the Goddess of the Moon at naiwasan ko ang lahat ng 'yon. May daplis lang sa binti pero kaya ko pa naman.
Pagkatapos ng tatlong dash, nag-leap naman siya palapit sa'kin para sagpangin ako. At nagawa ko ring iwasan 'to.
Dahil sa gutom nga ang werewolf, napagod siya sa ginawa niyang pag-atake, dahilan para magkaroon ako ng pagkakataong paulanan siya ng mga magic arrows. At pinatama ko lahat 'yon sa ulo niya. Hindi ko inubos lahat ng mana ng bow ko at nagtira pa ako para sa mga hayop na lalabas mamaya.