Chapter 6

455 6 0
                                        

Nasa kapatagan ako na puno ng mga bulaklak at may hinahabol. Mahaba ang kanyang buhok na kakulay ng buwan at matamis ang kanyang mga halakhak. Si Reena.

Hindi ko alam kung gaano na kami katagal naghahabulang dalawa't nagtatawanan. Pero isa lang ang sigurado. Nagkakasiyahan kami.

Nang sa tingin ko'y abot ko na siya'y agad ko siyang sinunggaban ng yakap. Nagtagumpay naman ako't gumulong kami pababa ng kapatagan.

"Nahuli rin kita, Reena! Hindi na kita papakawan pa!" Sabi ko't nagtawanan ulit kami. Napakatamis talaga ng mga halakhak. Ang sarap sa tainga.

At nang humarap siya sa'kin ay hindi ako makapaniwala nang mapagtanto ko kung sino ito!

Si Rivos!

Nilagay niya ang mga kamay niya sa batok ko't sinabing...

"Let me take Reena's role in your heart." Sabi niya't hinila ako palapit sa kanya para..

"Aaaaahhh!"

At napabalikwas ako ng bangon dahil sa panaginip ko! Buti't nagising ako bago niya pa ako mahalikan!

"Putangina naman kasi, eh! Okay na sana, eh! Si Reena na 'yon, eh! Bakit naging si Rivos pa!" Reklamo ko sa sarili ko't napalingon ako sa body pillow ko.

"Pasensya na, Reena, My Loves! Hindi ako nagtataksil sa'yo! Panaginip lang 'yon! Isang masamang panaginip! At kahit kailan man, hindi ka niya mapapalitan sa puso ko!" Sabi ko sa kanya sabay halik sa unan ko para makasigurado siya sa'kin bago ako bumangon at gawin ang morning routine ko.

"Wala ka bang balak magpagupit?"

'Yan ang bungad ko kay Rivos nang pumunta siya dito sa bahay.

"Why should I?" Tanong niya sa'kin.

"Nanaginip kasi ako. May hinahabol daw ako. Mahaba ang buhok." Kwento ko sa kanya. "Akala ko si Reena. Pero ikaw pala!" Dagdag ko pa.

"Then, I'll cut it." Sabi naman niya. "For you not to mix me with my younger sister." Dagdag niya pa

"Uy, 'wag! Sayang ang buhok mo, ang ganda pa naman! Nagbibiro lang ako, sineryoso mo naman!" Sabi ko sa kanya.

But, yeah. Gusto ko ring makita ang itsura niya 'pag short hair siya. Hahaha!

"Bakit ka ba pumunta dito sa bahay?" Tanong ko pa sa kanya.

"Help me pick two new sets of songs for me to perform at the cafe this coming weekend." Sagot naman niya.

"Sige. Tapusin ko lang 'tong sinusulat ko. Tapos hanap na tayo ng kanta." Sagot ko sa kanya.

"Late na ako, late na ako, late na ako, late na ako!"

Agad kong binuksan ang pinto ng cafe at narinig ang magandang boses ni Rivos!

Nandoon na siya sa stage, kumakanta, naggigitara, nakangiti sa'kin. Naka-beanie man siya, pero halatang bagong gupit na siya. Hindi na mahaba't mukhang gupit panlalaki na. Nagpagupit talaga ang loko. Hahaha!

Bagay sa kanya.

* Unwritten
By Natasha Bedingfield *

"🎵 Feel the rain on your skin
No one else can feel it for you
Only you can let it in
No one else, no one else
Can speak the words on your lips
Drench yourself in words unspoken
Live your life with arms wide open
Today is where your book begins 🎵"

Fictional (BL) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon