"I don't wanna go back to my world again..!" Sabi ni Rivos pagkatapos niyang ibagsak ang katawan niya sa malambot kong kama't natawa ako sa sinabi niya.
"Bakit? Akala ko ba gusto mong iligtas si King Rysorn?" Tanong ko pa pa sa kanya.
"Can I really change what is already written in that... Manga..?" Tanong niya naman sa'kin habang tinuturo ang Moon manga collections kong naka-display sa shelves.
"Hindi ko alam." Sagot ko sa kanya. "Pero pwede mong subukan!" Dagdag ko pa.
"I came out off the book at chapter 29. And if I really did go back from it in that exact timeline and did something to change what's gonna happen that early, the knowledge I got from this book will go into waste as what is written here might really get changed." Pag-aanalisa niya.
* Unwritten
By Natasha Bedingfield *
"Then, why don't you change the story to get a better ending for everyone, especially, for yourself?" Suggestion ko pa.
"What if, I just leave the book as it is and just have my happy ending here in this world? With you." Sabi niya naman at nagpa-cute pa sa'kin ang gago!
"Tangina mo! Bumalik ka na sa mundo n'yo!" Sabi ko't binato ko siya ng unang bagay na nadampot ko. Tinawanan niya lang ako.
Papasok na sana ako ng banyo nang bigla akong tawagin ni Mama.
"Ano po 'yon, Ma?"
"May... Work ba si Reese ngayon? Bakit parang hindi ko ata siya nakikitang pumapasok?" Tanong niya sa'kin.
Shit!
"Uhm... Content writer din po si Reese, Ma, kagaya ko! Nasira lang po 'yong laptop niya kaya naghahanap po siya ng ibang work habang hindi pa po siya nakakabili ng bago."
"Ay, kawawa naman..." Komento naman ni Mama. "'Yon din ba ang rason kung bakit nag-away sila ng papa niya?" Tanong niya pa.
"Opo, Ma." Sagot ko naman.
"Ano bang work hinahanap niya? Baka matulungan ko siya!" Sabi naman ni Mama.
"May alam po ba kayong bar or kahit cafe na pwede niyang tugtugan?"
"Marunong siyang tumugtog?! Nakakatuwa naman ang batang 'yan! Talented!" Komento niya pa.
"Opo! Ako nga rin po, nagulat, eh!" Sabi ko naman.
"Pero sorry, wala akong kakilala na pwede niyang tugtugan." Sabi ni Mama't tinanguan ko naman siya.
Nagpaalam na si Mama't matutulog na raw siya. Ako nama'y bumalik ng kwarto para sabihin kay Rivos na nagtatanong na si Mama tungkol sa kanya!
"What should we do, then?" Tanong niya naman sa'kin. "We still haven't found a place for me to sing and I still don't know how to play these songs you gave me!" Dagdag niya pa.
"May naisip na ako! At kailangan natin ng tulong niya!" Sagot ko naman.
"Who?" Tanong niya sa'kin.
"Thank you, Mrs. Quinto, for letting my son to stay here for days. I'm taking him home now." Sabi ni Sir NatGon habang nakaupo siya dito sa salas ng bahay namin.
"Walang anuman, Mr. Gonzaga! Mabuti na ring ilang kanto lang ang layo ng pinuntahang bahay ni Reese mula sa inyo't hindi na kayo nahirapang maghanap sa kanya." Sabi naman ni Mama. "Mawalang galang na, pero ano bang pinag-awayan n'yong mag-ama?" Pang-uusisa pa ni Mama sa kanya.
BINABASA MO ANG
Fictional (BL)
FantasyIf you've been given a Ticket To Forever, to whom will you use it? In Sin's case, he used it to the heroine from his fave Fantasy manga. But a different character pops out of it, entering the Real World, and his life. Will Sin continue this road to...
