Chapter 7

442 6 0
                                        

'Had a great time with my boyfie, my boy bestie, and my husbando. Just guess which is which 🤣🤣🤣
Thanks guys! Sa uulitin! 😘❤'

Post ni Grace sa FB na may kasamang pictures naming apat. At nag-heart react naman ako dito.

"Your friends are cool." Sabi ni Rivos na nakahiga sa kama ko.

"I know."

"Are they the only friends you have?"

"Mayroon pa naman akong ibang mga kaibigan. Pero si Grace ang madalas mag-aya sa'kin kumain sa labas." Sagot ko naman. "Bakit?" Tanong ko pa sa kanya.

"I... Wanna have friends in this world, too." Sagot naman niya.

"Sige, makipagkaibigan ka. Basta, 'yong taong kayang itago ang sikreto mo, o mas mabuting 'wag mo na lang sabihin sa kanila na ikaw talaga si Rivos at galing ka sa loob ng manga." Paalala ko naman sa kanya.

"Do you think there are elven people here?" Tanong niya pa sa'kin.

"Hindi ko alam." Sagot ko naman. "Kung mayroon man, siguro'y nagtatago sila sa mga tao." Dagdag ko pa.

"If I've sensed one, I'll tell you." Sabi naman niya na ikinatuwa ko. "Can I borrow your guitar? I'll just practice the songs I'll be performing this coming weekend." Tanong niya pa sa'kin at hinayaan ko naman siyanb hiramin ang hitara ko.

Binuksan ko na ang laptop ko't nagsimula nang magsulat habang kumakanta't naggigitara siya.

"That's all. Thank you for coming everyone. See you again next week." Paalam ni Rivos at nagpalakpakan kami para sa kanya.

"Tara na?" Pag-aya ko sa kanya pagkatapos niyang kunin kay Ate Gwen ang sweldo niya.

"Yeah." Sagot naman niya't lumabas na kami ng cafe.

"I really don't like the sound of the cars." Komento niya't natawa ako sa sinabi niya.

"Tiisin mo na lang muna. Malapit lang naman bahay natin dito, eh." Sabi ko naman at tumango siya sa'kin.

Habang naghihintay kami ng masasakyan, may humintong sasakyan sa harap namin at lumabas doon ang isang magandang babae na siguro'y kaedaran lang namin.

Pero mas maganda pa rin si Reena, My Loves kaysa sa kanya. Hahaha!

"OMG! Kamukha mo talaga si Rivos! Tapos na gig mo?" Tanong ng babae. Pero si Rivos, nakatingin lang sa kanya't nakangiti.

"By the looks of it, mukhang tapos na nga! Sayang! Hindi ako nakaabot! Nagmamadali pa naman akong pumunta dito. Tapos hindi naman pala kita maririnig kumanta ng live!" Reklamo niya sa'min. "Pero buti't nakita ko pa kayo sa labas! Pwedeng magpa-picture? Please?" Ang dire-diretsong pagsambit nito pero tulala pa rin sa kanya si Rivos! Na-love at first sight ata ang loko. Hahaha!

* Enchanted (Taylor's Version)
By Taylor Swift *

Can't blame him! Maganda talaga siya, eh! Kung wala akong Reena, siguro na-attract din ako sa kanya.

"Hello? Reese? Are you there? Hello?" Tanong nany babae habang kumakaway kay Rivos pero hindi pa rin umiimik ang loko't nakatulala pa rin. Hahaha!

At tinapik ko na si Rivos nang malakas para matauhan na siya. Effective naman.

Fictional (BL) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon