Chapter 13

405 5 0
                                        

"Ang wafu natin ngayon, Kuya Sin, ah! Saan lakad natin?" Pang-aasar ni Tan sa'kin.

"Nagpapasama si Reese sa'kin. May bibilhin daw siya." Sagot ko naman. "Ikaw, saan lakad mo?" Pagbalik ko naman ng tanong sa kanya.

"May date rin kami ni Billy, bakit ba?" Sagot naman niya sa'kin.

"Diretso uwi, ah!" Paalala ko pa sa kanya

"Yes, 'Dad'!"

"Ma, alis na po ako!" Sabi ni Cos habang bumababa siya ng hagdan.

"Nasa banyo si Mama, Kuya Cos." Sabi naman ni Tan sa kanya.

"Sige. Hintayin ko na lang siya bago ako umalis." Sabi naman ni Cos.

"May lakad ka rin, Cos?!" Hindi makapaniwalang tanong ko sa kanya.

"Bakit, Kuya Sin? Kayo lang ba pwedeng makipag-date ngayong araw?" Tanong naman niya't napaoailing na lang ako sa kanya.

"Ang gugwapo naman ng mga anak ko! 'Yong isa, cute! Pasalubungan n'yo ako ng apo, ah! Tig-iisa kayo!" Sabi ni Mama pagkalabas niya ng banyo.

"Wala po akong matres, Ma!" Sabi naman ni Tan.

"Masyado pa pong maaga para gawin namin 'yan ni Van, Ma!" Sabi naman ni Cos.

"Hindi po kami ni Reese, Ma!" Sabi ko naman.

"Pero may gusto ka na sa kanya, 'di ba, Sin?" Hindi ako nakasagot sa sinabi ni Mama't pinag-aasar ako ng mga kapatid ko

At may bumusina nang motor sa labas.

"Nand'yan na po si Billy! Bye, Ma!" Paalam ni Tan.

"Sige na! Enjoy your date, anak!"

At bumeso muna si Tan kay Mama bago lumabas ng bahay.

"Alis na rin po ako, Ma. Susunduin ko pa po si Van sa kanila." Paalam naman ni Cos.

"Enjoy your date, too, anak!"

At bumeso rin si Cos kay Mama bago umalis.

"Ikaw, Sin? Bakit nakatayo ka lang d'yan? Hindi ka pa ba aalis?" Tanong sa'kin ni Mama.

"Are you... Really okay for all of... Us... Having male partners..?" Tanong ko sa kanya.

* No Matter What - Calum Scott *

Lumapit sa'kin si Mama at hinawakan ang mga kamay ko...

"Oo, anak. Kahit sino pa ang mahalin n'yo. Mapa-babae man 'yan o lalaki. Basta mamahalin niya rin kayo't nakikita ko kayong masaya sa isa't isa, okay na ako doon, anak." Sagot naman niya habang diretsong nakatingin sa'king mga mata. "At kahit walang maging straight sa inyong magkakapatid, tanggap ko pa rin kayo. At mahal ko kayong tatlo, kami ng papa n'yo." Dagdag pa ni Mama habang ang kamay niya'y nasa pisngi ko.

Niyakap ko siya't nagpasalamat. Niyakap din ako ni Mama pabalik.

"Okay lang po ba talaga sa inyong maiwan mag-isa dito sa bahay?" Tanong ko naman.

"Oo, anak. 'Wag mo akong alalahanin. Kaya ko ang sarili ko." Sagot naman niya.

"Bye po, Ma." Paalam ko pa'bumeso na ako sa kanya.

"Mag-enjoy ka sa date mo, ah! At sabihin mo na rin ang feelings mo kay Reese!" Sabi ni Mama sabay tawa't napapailing na lang ako sa kanya.

"Hindi pa bumababa si Rivos?" Tanong ko kay Flyne.

Fictional (BL) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon