Chapter 12

406 4 0
                                        

Nagising ako nang masakit ang ulo ko. Ni hindi ko nga matandaan kung paano ako nakauwi, eh. Ang huli kong natatandaan ay nag-iinuman kami ng dalawang college friend ko na gay couple.

"Paano n'yo nalamang may gusto kayo sa isa't-isa?" Tanong ko sa kanila.

"Na-love at first sight ako sa kanya. Ang hirap nga niyang landiin, eh. Napaka-cold! Kahit ngayong ilang years na kami, napaka-cold pa rin!" Sabi ni Hiro.

"Really, huh?" Sabi naman ni Jack at nagsimula na silang maglandian sa harap ko.

Kung kami 'to ni Rivos, sino kaya ang nasa pwesto nino?

Dapat ako 'yong nasa pwesto ni Hiro! Hindi, kay Jack pala! Dapat ako ang dominant! But by the way I look at it...

Mukhang si Rivos ang dominant sa'ming dalawa!!!

Hindi ako papayag! Hindi!

"By the way, why did you ask, Sin? Are you falling for a guy, too?" Tanong ni Jack.

"Si Reese ba 'yan?" Pang-aasar pa ni Hiro sabay tawa at hindi ako nakasagot sa tanong niya. "Uy, namumula siya, oh! Dahil ba 'yan sa alak o sa sinabi ko?" Dagdag pa ni Hiro.

Kinuha ko ang baso ko't tinungga ang laman nito.

"Sa alak, gago!" Sagot ko't tinawanan niya lang ako.

"Do you like Reese now, Sin?" Seryosong tanong ni Jack.

"Dunno... Maybe..? Hindi ko alam!" Nahuhuluhang sagot ko naman.

"So, you're confused about your feelings for him? I know how that feels. Falling in love with the same gender for the first time knowing you don't really swing that way." Sabi ni Jack. "It really is confusing at the start. But, at the end of the day, that's how you really feel." Dagdag niya pa.

"Go sort your feelings for him for now. Only you could tell whether you like him or not. And when you find out you're in love with Reese, please, don't be scared to give it a shot. Who knows! It might work just like us." Payo pa Jack sa'kin.

"Sige. Pero bago ang lahat, shot muna! Ang haba ng sinabi mo! Lasing ka na ata, eh!" Sabi ko't nagtawanan kami.

"Drunk in love, maybe?" Sabi ni Jack bago inumin ang alak sa baso niya't napapailing na lang ako sa kanya. Sa kanila.

Dinilat ko ang aking mga mata't isang pamilyar na kisame ang nakita ko...

Pero hindi ito ang kwarto ko! Kwarto 'to ni Rivos! At napabalikwas ako nang bangon dahilan mas lalong sumakit ang ulo ko't mahilo!

At bigla kong naalala ang sinabi sa'kin ni Hiro kagabi!

"The first time is the most painful experience. So, maghanda ka na para kay Reese! Hahaha!"

Agad kong chi-neck ang sarili ko't nakitang iba na ang suot kong shirt! Sinilip ko ang katawan ko, pero wala namang kahit anong marka. Suot ko pa rin ang pants at boxers ko. Hindi rin masakit ang ano ko.

So... I'm safe..?

Ano bang nangyari kagabi..?

"Duwag! Duwag! Duwag! Duwag!"

"Don't try me, Sin..."

Ang gwapo talaga nito!

"Duwag ka nga!"

Fictional (BL) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon