Chapter 27

339 5 0
                                        

Habang pinapanood ko silang kumain ng noche buena, nakakaramdam na rin ako ng gutom. At tumutunog na rin ang sikmura ko.

Sinubukan ko ulit galawin ang pagkaing hinanda sa'kin ni Sin. Pero tumagos lang din ang kamay ko nang hawakan ko ang kutsara, kahit sa mismong pagkain sa plato ko.

Sana maging 3D na ako para makakain na ulit ako. Sigh...

Tiningnan ko si Sin. Palinga-linga siya sa paligid. Inaabangan ang pagiging 3D ko ulit. Hindi rin siya makakain nang maayos dahil sa'kin. Sina Dad at Mama'y tahimik ring kumakain habang nililingon si Sin, at munkhang nag-aalala rin sila dahil sa nangyari kanina.

Like I could do anything about my fading. Sigh...

At kahit tumatagos ang kamay ko, sinubukan ko pa rin siyang hawakan.

"Don't worry, I'm still here. I still haven't returned inside the manga." Sabi ko kahit hindi naman niya ako naririnig...

Ala-una na't dito na pinatulog ni Dad si Mama't si Sin dahil gabi na.

Dahil dalawa lang ang kwarto sa taas, doon na pinatulog ni Sin si Mama sa kama ko. Maglalatag na lang daw siya ng comforter dito sa salas in case bumalik na raw ako sa pagiging 3D ko.

Si Sin na rin ang nagpresentang magligpit ng lamesa't maghugas ng mga pinagkainan nila habang naghihintay sa'kin.

"Narinig mo si Papa kanina? Nasaan daw 'yong magiging biyenan niya!" Biro ni Sin habang naghuhugas siya ng mga pinggan. Pero may pait sa kanyang pagtawa.

"I've heard it. I stood beside you when he called while you guys are eating." Sagot ko kahit hindi naman niya talaga ako naririnig.

"Siguraduhin mo raw na babalikan mo ako, kundi, may irereto raw siya sa'king kamukhang-kamukha ni Reena! Si Rhianne! Nakita mo naman 'yong workmate ni Papa kanina, 'di ba?" Sabi niya pa.

"Yeah. She really looks like my younger sister." Sagot ko naman.

"Should I accept Rhianne's friend request, though?" Pang-aasar pa ni Sin sa'kin.

"Just try it, or else, I'll really top you when I went back to being 3D!" Pagbabanta ko sa kanya.

"Maganda nga siya. Bleached long hair, may magagandang mga mata, matangos na ilong, maganda pa boses!" Sabi niya't sinamaan ko siya ng tingin!

"Pero ikaw pa rin ang gusto ko, Rivos." At napangiti ako sa sinabi si Sin. "Kaya siguraduhin mong babalikan mo ako, ah!" Dagdag niya pa.

At niyakap ko siya mula sa likod.

"Yeah, I'll go look for a way inside to get back in this Real World." Sabo ko. "Please, wait for me, Sin." Dagdag ko pa sabay halik sa pisngi niya.

Pagkatapos niyang maghugas, tinabi niya sa gilid ang sofa't center table, at naglatag na siya sa gitna ng salas. Nahiga na siya't tumabi naman ako sa pwestong nilaan niya para sa'kin.

"Good night, Rivos."

"Good night, Sin."

Good thing, nakakatulog na si Sin kahit hindi niya ako nakikita. Hindi katulad noong mga naunang gabing naglalaho ako't kinabukasan o sa pagtulog niya babalik sa pagiging 3D.

"Hope you could still sleep well when I really returned inside the manga..." Hinalikan ko siya sa kanyang noo't natulog na rin ako.

"Morning, Dad."

"Morning."

At umupo na si Dad sa work station niya.

"Ito po rice coffee n'yo."

Fictional (BL) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon