"Free ka ba sa weekend?" Tanong sa'kin ni Sin.
"Uhm... Yeah." Sagot ko naman. "Why?" Tanong ko pa.
"Let's go on a date!" Sagot niya't sinamaan ko siya nang tingin.
"Bakit gan'yan ka makatingin sa'kin?" Tanong niya pa sabay tawa na mas lalong ikinainis ko.
"I'm like this, Sin. How can I get out?" Sabi ko sa kanya habang pino-point out ang pagiging 2D ko sa kanya.
"Hindi ko naman sinabing sa Real World, eh!" Sabi naman niya. "May Entrance Spheres ako dito. Pili ka kung anong gusto mong unahin na'tin." Sabi niya habang pinapakita ang paper bag na hawak niya.
"You went to Xerxes Merchandise?" Tanong ko pa sa kanya dahil sa logo nito.
"Oo. Ito ang mga binili ko, oh! 'Yong isa, nakuha ko sa gachapon. 'Yong isa, pwersahang binenta sa'kin ni Xion dahil jackpot prize ang napanalunan ko sa unang try ko." Sabi niya habang ibaabot sa'kin ang paper bag na naglalaman ng mga binili niya doon. Kinuha ko naman ito't tiningnan ang mga laman nito.
"An Entrance Sphere to a circus, and a... An archery forest?! That's cool!" Sabi ko habang tinitingnan ang mga ito.
"So, ano gusto mong unang puntahan na'tin?" Tanong niya pa sa'kin.
"Of course, the archery forest! Oh, I really miss playing with my bow! Can I bring my weapon there?" Excited na tanong ko pa sa kanya.
"Hindi ko alam, eh. Search natin sa manap mo."
At 'yon nga ang ginawa namin. Tiningnan na rin namin kung anong itsura ng lugar at mas lalo akong na-excite nang malamang may event sila this coming weekend! At tama lang ang date ng nabiling entrance sphere ni Sin para sa event na ito!
"Gusto mong sumali sa event nila?" Tanong sa'kin ni Sin.
"Of course, I wanna! Let's go there this coming Saturday!" Sabi ko naman.
"How do I look?" Tanong ko kay Sin.
"Looking good! Just how Tito Nate drew you in the comics! Maliban sa buhok mo!" Komento niya sa'kin.
Suot ko kasi ang damit ko na nanggaling pa sa loob ng comics. Dala ko rin ang pana ko pero iniwan ang mga palaso ko dahil hindi pwede ang totoong palaso doon at may sariling palasong ipo-provide ang lugar na pupuntahan namin. Hindi ko rin suot ang Disguise Ring ko, matagal na simula noong naging 2D ako dahil wala rin naman itong effect. Lumiliit lang ang tainga ko't napapalitan ang kulay ng buhok at mga mata ko, pero 2D pa rin ako. Sigh...
Hinagis ko na nga sa pader ang entrance sphere at gumawa ito ng isang lagusan. Pumasok na kami dito't pagkatapos ng tatlong hakbang ay nasa kabilang side na kami't sinalubong kami ng lively na tugtugin. At naghiyawan sila nang makita ako. Hindi naman kami dinumog ng mga Fantasy People, pero nakatutok ang mga manap nila sa'min.
"Look who we have here! Our oh-so-famous Fictional Character, Rivos Lunadel in 2D and in full costume just like in the comics!" Sabi ng MC ata ng event nang lumapit siya sa'kin.
"With you carrying your bow, I'm so sure you're here to join the event, right?" Tanong niya pa sa'kin at may lumipad na flying mic sa harap ko.
"Yeah, I'm here to join the event. Can I?" Tanong ko naman.
"Of course! This event is open for elves. Be it high elves or just elves. As long as they wanna join!" Sagot naman niya. "But with you on your 2D form, you're gonna stand out even in the dark, man! And that's your disadvantage! Are you sure you still wanna?" Tanong niya pa sa'kin.
"Yeah. I miss playing with my bow, and I wanna try if my skills got rusted. Though, I'm 2D now, it won't stop me from joining this event and I'll try my best to win this competition. I even watched the previous matches to get some ideas on how this event works." Sagot ko naman sabay tawa.
BINABASA MO ANG
Fictional (BL)
FantastikIf you've been given a Ticket To Forever, to whom will you use it? In Sin's case, he used it to the heroine from his fave Fantasy manga. But a different character pops out of it, entering the Real World, and his life. Will Sin continue this road to...
