Chapter 4

480 7 0
                                        

"Here. Ice cream." Sabi ko habang inaabot ito sa kanya.

"What's that?" Tanong niya pa.

"Kunin mo na lang!" Sabi ko't kinuha naman niya ito.

Umupo ako sa kabilang swing, binuksan ang akin, at kumagat dito. Ginaya niya ang ginawa ko't kinagatan na rin ang kanya.

"Yummy." Komento niya't ito ang unang beses kong nakita siyang ngumiti simula kanina.

"Okay ka na?" Tanong ko sa kanya't bumuntong-hininga muna siya bago ako sagutin.

"No. Still can't believe that I'm just a fictional character from a famous manga."

"No, you're not just a fictional character! Ikaw si Prinsipe Rivos Lunadel. Ang pinaka-cool na Elven Archer ang Moon Kingdom na handang isakripisyo ang sarili niya para sa kanyang kaharian at para sa kanyang kaibigan! Ang pinaka-mautak, ang pinaka-matapang, at ang sharpshooter ng grupo n'yo!" Sabi ko sa kanya. "At ikaw rin ang pinaka-matakaw sa inyong magkakaibigan!" Biro ko pa. Hahaha!

"Pinaka-gwapo, hindi mo isasama?" Tanong niya pa.

"At ang pinaka-mahangin din!" Dagdag ko pa't nagtawanan kami.

"Now that you mentioned my friends, I'm quite missing them." Sabi niya pagkatapos kumagat sa ice cream niya. "Sigh... I really wanna go back to my world right now!" Dagdag niya pa.

"Bakit hindi ka humiling sa buwan gaya ng ginagawa ng elven people ng kaharian n'yo?" Suggestion ko naman sa kanya.

"Will the Goddess of the Moon in my world hear me here in the Real World?" Tanong niya sa'kin.

"Hindi ko alam." Sagot ko naman. "Pero bakit hindi mo subukan? Baka gumana't makabalik ka na." Dagdag ko pa.

Mabilis niyang inubos ang ice cream cone, lumuhod sa harap ng buwan, nag-bow, at taimtim na nagdasal sa kanilang D'yosa sa libro.

Ang gwapo rin talaga ng fictional character na 'to, eh! Gwapo na siya sa 2D. At mas lalo pa siyang gumwapo ngayong 3D at totoo na siya. Kaya marami ring nahumaling sa kanya, eh. At marami ring umiyak nang mamatay siya sa libro. At bilang isang Moon fan in general, umiyak din ako para sa kanya.

May narinig akong bumagsak mula sa 'di kalayuan at nakita ko ang isang lalaking naka-bucket hat at face mask. Nasa kalsada ang mga pinamili niya't nakatingin lang siya sa'min, kay Rivos. Na ipinagtataka ko.

Baka fan lang din siya ni Rivos?

Nag-bow na si Rivos sa buwan, tumayo na't pinunasan ang kanyang mga luha.

"Parang gumaan ang pakiramdam ko pagkatapos kong makipag-usap sa D'yosa." Komento niya

"Good for you, then." Sabi ko naman.

"Do you think She heard me from here?" Tanong niya pa.

"Let's just hope for that." Sagot ko naman.

Nilingon ko ang lalaki kanina at nandoon pa rin siya. Nakatayo. Nakatingin sa'min.

"Do you know him?" Tanong sa'kin ni Rivos.

"Hindi, ah!" Sagot ko naman. "Ang weird nga niya, eh!" Dagdag ko pa.

"He's been... Whispering things since I stood up like he knows I could hear him." Sabi ni Rivos sa'kin. "And I've been trying to ignore him." Dagdag niya pa.

"Talaga? Anong mga sinasabi niya?" Tanong ko naman.

"He's asking me if I really am Rivos on his whispers." Sagot naman niya.

"Baka fan mo lang?" Sabi ko naman.

"He's one hella of a creepy fan, then!" Komento niya. "He should've come at me if he wanted a selfie with me. Not just stand there and whisper some shits." Dagdag niya pa.

Fictional (BL) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon