"E-excuse me. Is this seat vacant? Can I sit here?" Tanong sa'kin ng isang babaeng lumapit sa table ko't nagulat ako nang malaman kung sino ito.
And those images flashed in my mind again!
Akala ko nakalimutan ko na, hindi pa pala.
"Feel free. Paalis na rin naman ako." Sabi ko't niligpit na ang mga gamit ko.
"No, what I mean is... Can we talk? About what I did to you in the past?" Tanong sa'kin ni Annie. "I just... Wanna say sorry for playing with your feelings back then. Pinahiya pa kita sa harap ng maraming tao. Sorry talaga, Sin." Dagdag niya pa't nakinig lang ako sa mga sinasabi niya.
"I know how it feels now. What I did to you back then, that's what my ex did to me, too. And it hurts like hell to be played by a person you truly loves. In your case, likes." Sabi niya pa. "Ang sakit pala, 'no?" Tanong niya pa sa'kin at nagsimula na siyang umiyak sa harap ko.
Fresh pa siguro sa kanya ang breakup nila ng ex niya...
At kahit medyo may galit pa rin ako sa kanya'y nakaramdam ako ng awa dahil hindi ko naman hiniling na mangyari din sa kanya ang ginawa niya sa'kin lalo na't alam ko kung gaano ito kasakit.
Inabutan ko siya ng tissue't kinuha niya naman ito para punasan ang mga luha niya.
At habang pinapanood ko siyang umiyak sa harap ko'y hindi ko maiwasang i-compare ang sarili ko noon sa kanya ngayon.
Ganito rin ba ako umiyak noon? Hindi. Mas malala siya. Siguro dahil mahal na mahal niya 'yong ex niya, hindi katulad ko na puppy love lang ang nararamdaman sa kanya noon.
Still, traumatizing.
"Minahal mo talaga 'yong ex mo, 'no?" Tanong ko sa kanya.
"Oo. Kahit hanggang ngayon." Sagot niya.
"Tanga." Sabi ko't nagtawanan kami.
"Maybe? Wala, eh! Nagiging tanga talaga tayo pagdating sa pag-ibig." Sabi naman niya. "Ikaw? Paano ka naka-move on sa ginawa ko sa'yo dati?" Tanong niya pa sa'kin.
"To be honest, kaninang lumapit ka sa'kin, bumalik ang mga masasakit na ala-alang akala ko nakalimutan ko na. Kaya nga gusto kitang layasan kanina, eh." Sagot ko't nagtawanan kami.
"Does what I did to you traumatized you that's why you're... Dating a guy right now?" Tanong niya sa'kin.
"Paano mo nalaman? Naka-block ka sa'kin, ah!" Tanong ko naman sa kanya.
"I'm... Following your boyfriend, Reese, that's why." Sagot niya. "Kamukha niya talaga si Rivos, 'no?" Tanong niya pa't tumango naman ako sa kanya
"To answer your question, na-trauma talaga ako sa mga 3D girls dahil sa ginawa mo sa'kin. And for years, I loved fictional characters from the movies, video games, and books." Sagot ko naman sa naunang tanong niya sa'kin kanina. "Tapos last year lang, biglang dumating Reese sa buhay ko. And the rest is history." Dagdag ko pa
"I'm happy for you, Sin." Sabi niya't nagpasalamat naman ako sa kanya.
"Makakamove-on ka rin sa kanya, Annie. Just be patient with yourself." Dagdag ko pa't nagpasalamat naman siya sa'kin.
"May ire-recommend akong book sa'yo na sobrang green flag ng male lead? Gusto mo ba?" Biro ko pa sa kanya.
"Si Rivos ba 'yan?" Pang-aasar naman niya sa'kin.
"Tangina mo! Akin na si Rivos, maghanap ka ng sa'yo!" Sabi ko't nagtawanan ulit kami.
Biglang tumunog ang bell. May pumasok sa cafe. Si Rivos.
"Bakit ang tagal mo?" Ang tanong ko sa kanya nang makalapit siya sa'kin.
"Sorry. Xion did a lot of sales talking to me, that's why." Sagot naman niya. "And thanks for accompanying my boyfriend when I'm away, Miss..?" Sabi naman niya aa kasama ko sa table at napapailing na lang ako sa pagseselos ng lalaking ito.
"Annie. Uhm..." Sagot naman ni Annie at mukhang hindi niya alam kung paano niya ipapakilala ang sarili niya kay Rivos.
"High school friend ko siya dati." Pagtuloy ko sa sinasabi niya't nginitian ko si Annie. Nginitian niya rin ako.
"Miss Annie, I'll remember that!" Sabi naman ni Rivos.
"Sige na, Annie, mauna na kami! Bye!"
"Bye!"
Inayos ko na ang mga gamit ko. Kinuha naman ni Rivos ang bag ko't naglakad na kami palabas ng cafe.
Pero hindi pa kami nakakalayo'y tinawag ni Annie ang pangalan ko dahilan para lingunin ko ulit siya.
"Sorry again, Sin."
At nginitian ko naman siya!
"You're forgiven." Sabi ko sa kanya. "Sige na, alis na kami!" Dagdag ko pa.
"Who's that? Why is she saying sorry to you?" Tanong ni Rivos nang makalabas na kami.
"Siya 'yong nagbigay sa'kin ng trauma sa 3D girls!" Sagot ko naman sa kanya sabay tawa. Hahaha!
"Oh! I should've thanked her, then!" Sabi naman niya.
"Bakit naman?" Tanong ko sa kanya.
"'Coz if she didn't do what she did to you, you won't find your way to fictional characters and we won't ever meet." May point naman siya.
He offered me his hand to me, I took it, and we walk holding each other's hands!
* Better Days - JimmySea *
BINABASA MO ANG
Fictional (BL)
ФэнтезиIf you've been given a Ticket To Forever, to whom will you use it? In Sin's case, he used it to the heroine from his fave Fantasy manga. But a different character pops out of it, entering the Real World, and his life. Will Sin continue this road to...
