11

25 3 0
                                    


Paalala: May mga maseselang salita rito.

------------------------------

Naglalakad ako habang papasok sa gate.

" Bebi AZ."
Rinig ko mula sa likuran ko na kilala ko na agad kung sino. Di ko siya nilingon bagkus tuloy-tuloy lang ako sa paglalakad.

Maaga pa para uminit yung ulo ko.

" Bebi Az."
Na nasa tabi ko na siya na agad kong ikinalayo sa kaniya. Pero bago pa ko tuluyang lumayo, hinawakan niya ko sa beywang at hinatak palapit sa kaniya. Mumurahin ko na sana siya ng makita ko na may dumaan na motor.
" Mag-ingat ka sa susunod."
Habang nasa mukha nito ang pag-aalala.

Di ko nakita. Kung nakita ko yun, tatabi rin naman ako.

" Wag mong hayaan mabangga ka, magsasama pa tayo habang buhay."
Kasabay ng paghigpit ng hawak niya sa beywang ko, na agad kong sinapak yung tagiliran niya na ikinabitaw niya sa beywang ko.

" Sinong nagsabing gusto kong makasama ka habang buhay?"
Na masama ang tingin ko rito.

Tangina, ngayon pa nga lang, pinapasakit niya na ulo ko. Paano pa kaya pagkasama ko pa siya habang buhay. Baka mamaya nasa hospital na ko at agaw buhay.

" Ako."
Na ikinainis ko.

" Tangina mo, wag kang pala-desisyon."
At susuntukin ko pa sana siya ng agad na itong tumakbo.

-----------------------------------
11142023

AZTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon