26

17 3 0
                                    


Paalala: May mga maseselang salita rito.

------------------------------

Pauwi na kami nang tumambay muna kami saglit sa tindahan na malapit sa school. Nakaupo kami sa mahabang upuan na gawa sa kahoy na nasa labas mismo ng tindahan. Katabi ko si Thy habang sina Bry at Zach, nakatayo lang. May dumaan dito na grupo ng mga estudyante na nakilala ko agad dahil sa uniform nila. Mga tiga Canabia High School. Limang babae at apat na lalaki.

" Kuya, ano raw pong pangalan mo?"
Tanong ng babae sa isa sa mga tiga CHS kay Zach.
" Pinapatanong po nito."
At turo sa isang lalaki--- hindi, bakla na katabi niya. Natawa naman yung mga kasama nito.

" Huy, hindi kaya."
Na gulat pa nitong sabi at tinapik yung nakaturong daliri ng katabi niya.
" Kuya, hindi po. Wag ka pong maniwala rito."
Babakla-bakla nitong sabi na ikinatawa nila.

Sa tuwing kasama namin to, pagtalaga may mga ganitong haliparot, tinatanong talaga yung pangalan ni Zach na nasanay nalang kami. Kaya alam na naming maraming nagkakagusto dito. Sa loob pa nga lang ng school, marami na sa labas pa kaya.

" Siya po talaga nagtatanong ng pangalan niyo, Kuya."
Dagdag pang sabi ng bakla at tinuro yung babaeng unang nagtanong kay Zach.

Nagtuturuan pa. Pwede naman nilang amining gusto talaga nilang malaman.

" Zach."
Na sinagot naman ito ni Zach.

At sa tuwing may nagtatanong, hindi namn nito pinagdadamot yung pangalan niya, sinasagot din naman nito.

Kinain ko yung fishball na nasa stick na hawak ko.

" May girlfriend ba raw kayo?"

" Boyfriend lang."

At nang dahil sa sinagot nito'y ngumunguyang tumingin ako rito. Narinig kong tumawa sina Thy. Natatawang tumingin naman samin si Zach, una kina Thy panghuli sakin na mas lalo itong natawa na ikinasama ko ng tingin dito.

Wag lang siyang magkakamaling banggitin yung pangalan ko. Baka mapalo ko sa kaniya tong upuan ko.

" Ay, hala. Talaga po?"
Di makapaniwalang tanong ng bakla.
" Ikaw nalang kuya, anong pangalan mo?"
Kasabay ng pagtingin nito sakin na ikinatawa ng mga kasamahan niya, na para bang sumuko agad siya kay Zach.

Parang no choice pa siya.

Hindi ko naman siya sinagot.

Madamot ako sa pangalan ko.

" Al."
- Zach na siya na ang nagsagot.

Okay lang, Al lang naman yung sinagot niya. Basta wag lang buo kong pangalan.

" May Girlfriend na ba siya?"
Sunod na tanong nila, na bago ko pa bantaan ng tingin si Zach, nakasagot na ito.

" Boyfriend lang at ako."

At nang dahil sa sagot nito'y na ikinagulat nilang lahat, hindi nila ito inaasahan habang uminit naman ang ulo ko.

Pala-desisyon talaga tong gagong to.

" Tangina mo."
Madiin kong mura sa kaniya at lalapitan ko na sana ito ng natatawang kinuha niya si Bry at hinatak paharap sakin.

" Oy, tangina niyo, wag niyo kong isama sa kalandian niyo---"
- Bry at di na nito naituloy yung sasabihin niya ng kwelyuhan ko siya.

" Subukan mo lang ituloy yang sasabihin mo at babanatan kita."
Habang kuwelyo-kwelyo ko ito.

" Biro lang."
Agad niyang sabi.

" Last mo na yan."
Agad ko ring sabi rito

---------------------------------------
112623

AZTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon