60

13 2 0
                                    

Paalala: May mga maseselang salita ang naririto.

------------------------------

Naglalakad ako papunta sa classroom ng may humarang sakin. Apat na lalaki na agad akong pinalibutan.

Hindi ko sila kilala pero parang mga first year dahil mga totoy pa sila.

" Oy, may pera ka ba riyan?"
Sigang tanong sakin ng isa sa kanila.

" Meron."
Seryosong sagot ko.

Mukha ba kong walang pera?.

" Akin na."
At inilahad niya yung kamay niya na para bang nanghihingi ito ng pera sakin.

Mukha ba kong namimigay ng pera?.

Nakatingin lang ako sa kaniya na unti-unti'y para bang nakakaawa siyang tingnan. Kaya dumukot ako sa bulsa ko kung may pera ako, may nadukot naman ako at agad binigay sa kaniya. 5 pesos. Pero mukha yatang nagkamali ako dahil bumakas sa mukha nito yung inis.

" Tangina mo, nang-iinis ka ba?"
Inis na tanong nito.

Tangina niya rin, mukha bang nang-iinis ako?. Naaawa kaya ako sa kaniya kaya binigay ko nalang yung pera ko.

" Hindi."
Seryoso kong sagot na mas lalong ikinainis nito.

" Tangina mo."
At susuntukin na sana ako nang may pumigil sa kamay nito, si Zach na ikinagulat ko.

" Binigyan ka na ng pera, bakit mo pa susuntukin?"
- Zach kasabay ng pagtingin niya sa lalaking tatangkain akong suntukin at agad itong dumaing sa sakit. Napansin kong nasasaktan ito sa pala-pulsuhan niya na hawak-hawak ni Zach. Napansin ko namang napaatras yung tatlong kasama nito.
" Sa susunod na bigyan ka ng pera, magpasalamat ka hindi yung sasaktan mo pa. Maliwanag ba?"
Na hindi ko na nakikita pa yung reaction ng mukha niya dahil nakatalikod na siya pati na rin yung sinasabihan nito dahil hinaharangan niya ito. Ang alam ko lang nasasaktan ito dahil sa daing na naririnig ko rito.
" Maliwanag ba?"
Pag-uulit niya.

" O-oo."
At agad na tinanggal ni Zach yung kamay nito na agad silang tumakbo.

" Okay ka lang?"
Pagkatingin niya sakin. Pansin ko namang seryoso siya sa tanong niya na ikinatango ko. Naglakad ako na ikinasunod niya. Pero nakakailang hakbang palang kami ng yakapin niya ko mula sa likod at agad niyang ipinatong yung noo niya sa balikat ko na ikinainis ko. Magsasalita na sana ako ng magsalita siya.
" Sa tuwing nalilingat lang ako saglit, nakikita nalang kitang napapaaway."
Na mas lalo akong nainis.

Tangina, anong ibig niyang sabihin?!. Pala-away ako?!.

" Hindi ko sinasabing ikaw yung may kasalanan."
Na di ko to inaasahan lalo pa't ang naiisip ko'y kabaliktaran nito, natulala ako.
" Pero sana, mag-ingat ka."
Na rito ko napansing wala sa tono ng boses niya na ginagago ako kundi pag-aalala, na unti-unting nawala yung inis ko at unti-unti'y may nakaramdam ako ng saya.

Siguro dahil bilang lang sa kamay ko yung nag-aalala sakin na di ko inaasahang, dadagdag siya roon.

" Hmn."
Na ito na lang yung nasagot ko.

------------------------------

AZTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon