61

8 2 0
                                    

" Tama ba?"
Tanong sakin ni Zach na ikinatingin ko sa tinutukoy niya, may mga nahiwa na siyang di gaanong maliliit na sayote.

" Hmn."
Kasabay ng pagtango.

Nasa bahay kami nila, pinagluluto ko na naman siya at gusto niyang tumulong sakin kaya yan, pinaghiwa ko nalang siya ng sayote.

Napatingin ako sa pinapakulo kong manok, na kumukulo na ito.

Tinola yung niluluto namin.

" Ano pa?"
Na ikinatingin ko sa kaniya sunod sa natapos niyang hiwaing sayote.

" Hugasan mo nalang yan."
Na sinunod niya naman ito.

Ito yung gusto niyang ipagawa sakin nung matalo ako nung nakaraan ~> (Chapter 58). Kaya kung di ako natalo, di ako pupunta rito.

" Okay na."
At tumingin ako sa kaniya na ipinakita nito sakin yung nahugasan niya ng sayote.
" Ano pa?"
Na tiningnan ko yung nasa table.

Wala naman na dahil nagawa niya na rin yung dahon ng sili.

" Wala na."
At tumingin sa kaniya na kakalapag niya lang ng hiniwa niyang sayote sa table. Lumapit siya sakin.

" Okay na?"
Na ikinatango ko.
" Wala akong kiss?"
Na para bang bata na nag-e-expect na may kiss dahil natapos niya yung pinapagawa sa kaniya na ikinasingkit ng mga mata ko.

Pero siyempre, hindi naman siya bata.

" Hampas, gusto mo?"
At ipinakita ko sa kaniya yung sandok na hawak ko, na ikinatawa niya.

Mas okay sa kaniya yung hampas.

------------------------------------
06/08/24

AZTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon