36

14 3 0
                                    

" Kumusta na sa school?"
- Mama habang nagtitiklop ng damit namin na bagong laba. Nasa sala kami. Nakaupo siya sa di gaanong mahabang sofa habang ako sa kabila. Wala siyang trabaho ngayon at wala rin akong pasok.

" Okay lang."
At tumingin sa tv.

" Inaayos mo na ba yung pag-aaral mo?"
Na walang lingon-lingong tumango.
" Buti naman."
Na saglit ko siyang tiningnan na kita ko sa mukha nito ang ngiti. Nakaramdam naman ako ng konting saya na ikinangiti ko.

" Ikaw, ayos ka na ba?"
Habang nakatingin sa tv.

Kahit alam kong matagal-tagal na yun, di ko pa rin maiwasang di mag-alala.

" Wag kang masyading magpaka-pagod."

Mamaya, mahimatay na naman siya.

" Kung ayaw mong mapagod ako, ikaw na muna magluto."
Na ikinatingin ko rito. Nakangiting nakatingin siya sakin at para bang hinihintay ang sagot. Unti-unti naman akong nakaramdam ng saya.

Pakiramdam ko, unti-unti na kaming nagkaka-ayos o sadyang ayos na kami dati pa, sadyang hindi pa ko sanay.

" Sige. Anong gusto mong lutuin ko?"
Na para bang mataas ang kumpiyansa ko sa sariling maluluto ko yung isasagot niya.
" Ampalaya na may itlog."

At nang dahil sa sinabi nito'y napangiwi ako, na ikinatawa niya.

Alam kong niloloko ako nito dahil alam niya namang di ko guston yung ampalaya. Bukod sa okra, ayaw ko ng ampalaya.

" Masarap mag-kare kare ngayon."

" Di ako marunong nun."

" Turuan kita?"

" Sige "
Na ikinangiti niya.

Siya lagi yung nagtuturo sakin lalo na pag-di ko alam.

-----------------------
113023

AZTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon