29

18 3 2
                                    

Paalala: May mga maseselang salita rito.

------------------------------

" A-Alphario."
Na ikinatingin ko rito. Kaklase kong babae na nasa mukha ang takot.
" Magme-meeting daw tayo mamaya para sa project."

" Sige."
Na ikinaalis niya agad. Nasa tabi ko sina Thy at Bry.

Malapit ng matapos yung pasukan kaya marami ng pa-project at review.

" May meeting din kami. Hintayan nalang tayo para sabay na tayong uwii."
- Thy na ikinatango ko.

" Bebi Az."
Rinig kong tawag mula sa likuran ko na alam ko agad kung sino ito. Pero nagulat ako ng yakapin ako nito mula sa likuran at ibaon niya yung mukha niya sa leeg ko na ikinainis ko. Sinabunutan ko siya.

" Tangina mo, anong ginagawa mo?"
Gigil kong tanong habang sinasabunutan ko yung buhok niya na hindi naman siya dumaing.

" Tulungan mo ko."
Habang nasa leeg ko pa rin yung mukha niya at para bang ako lang yung nakakarinig nito, na ikinawala ng inis ko at ikinakunot ng noo ko. Nakatingin lang samin sina Thy.
" Gusto nila akong maging bida sa ia-acting namin. Ayaw ko nga."
Na para bang batang nagsusumbong. Binitiwan ko yung buhok niya.

Tangina, yun lang pala, edi sabihin niya yun sa ka-grupo niya.

" Sabi ko ayaw ko, tapos pinipilit nila ako."
Dagdag pa nito na pansing-pansin kong totoo yung sinasabi niya. Napabuntong hininga ako.

" Lumayo ka sakin."
Na ikinailing niya habang nakasiksik pa rin yung mukha niya sa leeg ko.

" Dito lang ako hangga't di mo ko tutulungan."
Na ikinapintig ng tenga ko.

" Hoy!"
Tawag ko sa mga kaklase kong nandirito habang masama ang tingin kong nakatingin sa kanila. Tumingin silang lahat sakin.
" Sinong grupo nito?!"
At turo ko sa gagong hindi lumalayo sakin.

Tangina, mahirap na. Baka totohanin niya pa, hanggang uwian nasa leeg ko pa yung mukha nito.

Na walang sumagot, na ikinainis ko.

" Sino sabi?!"
Na mas lalo kong nilakasan.

Tangina, wala na kong paki kung anong sabihin nila sakin. Ang paki ko lang, umalis na tong gagong to sa leeg ko.

" Ka-kami."
Isang babae yung sumagot na nasa pinaka-gilid sa gitna. Nasa mukha nito ang takot.

" Sinong pumipilit dito?"
At tinuro muli yung gago na hindi ito sumagot bagkus tumingin lang sa mga kaklase namin.
" Kapag sinabi niyang ayaw niya, ayaw niya!. Wag ng pilitin!"
At masamang tumingin sa mga kaklase kong nakatingin sakin. Pansin kong lahat sila'y nasa mukha ang takot at kaba.
" Kapag ito, nakita ko na naging bida sa dula niyo!."
Kasabay ng pagtingin ko sa babaeng ka-grupo niya at inis kong tinuro ulit yung gago.
" Lagot kayo sakin."
Pagbabanta ko sa kaniya--- sa grupo nila.
" Maliwanag ba?"
Na sunod-sunod nitong tango.

Siguraduhin niya lang na naiintindihan niya.

Napabuntong hininga ako at kinalma ko yung sarili ko.

" Lumayo ka na."
Kalmado kong sabi na hindi siya nagsalita ni gumalaw. Nawala yung konti kong naipon na kalma at inis ko siyang sinabunutan.
" Sabi kong lumayo ka na."
Gigil kong sabi muli na ikinagalaw niya. Binitiwan ko yung buhok niya nang unti-unti siyang lumayo at tumingin sakin na ikinatingin ko sa kaniya, na para bang isa't kalahating dangkal lang ang layo ng mukha namin. Seryoso siya--- pansin kong nasa mukha na may problema siya na ikinawala ng inis ko.
" Okay na, hindi ka na nila gagawing bida."
Na para bang batang pinagtanggol yung batang nanghingi sa kaniya ng tulong. Unti-unting nawala yung nakikita ko sa mukha niya.

" Thank you."
At ngumiti. Ngiting totoo na walang halong kalokohan na saglit kong ikinatitig dito lalo pa't ito yung kauna-unahang "Thank you" niya sakin. Umiwas ako ng tingin.

Baka mamaya, kung ano na namang sabihin.

" Lumayo ka na sakin."
Na ikinalayo niya naman.

-----------------------------------

AZTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon