Paalala: May mga maseselang salita rito.
------------------------------
Napatingin ako ng may kumatok sa pintuan namin. Nanunuod lang ako ng TV habang si Mama, nasa kwarto niya. Binuksan ko ito na agad tumambad sakin sina Thy at Bry.
" Par."
- Bry na agad kong sinirado yung pinto.Tangina, nakikita ko na nga sila ng Weekdays. Pati ba naman weekend, makikita ko pa rin?.
Babalik na sana ako sa upuan ko ng sunod-sunod nilang kinatok yung pinto.
" Pagdi mo kami pinapasok, dadalhin namin dito si Zach."
At nang dahil sa sinabi ni Thy, binuksan ko yung pinto, kasabay ng pagtawa nila.
Tangina nito, subukan lang nilang dalhin dito yung gagong yun at babanatan ko sila.
" Parang ang sarap ngayon manakal ng gago."
Habang nakatingin kay Thy, na para bang yung tono pa ng boses ko'y sabik na sabik manuntok.
" Tas ang pangalan, Thyco Peare."
Banggit ko sa pangalan nito na ikinatawa nito." Tas sunod ba yung may pangalan na Brayelle Yandino?"
- Thy kasabay ng pagtingin nito sa kasama niya." Gago, wag mo kong idamay. Ikaw lang yung nagsabi nun."
Natatawang sabi ni Bry rito." Tangina, ang bibigatin ng mga pangalan niyo. Pero anong nangyari sa inyo?"
Na nagtatanong ang mukha kong nakatingin sa kanila, na minura naman ako ng mga to.May mga itsura naman sila, hindi nga lang mga bigatin tulad ng pangalan nila.
" Nasaan si Tita?"
- Bry na papasok sana pero hinawakan ko yung shirt nito sa likuran na ikinahinto nito." Sinabi ko bang pwede kang pumasok?"
Na nakakunot-noo kong tanong dito." Parang may number ako rito ni Zach."
- Bry at kinuha niya yung phone niya sa bulsa ng shorts niya.Tangina talaga, bakit ba sila nandito?. Nararamdaman ko na nga yung kapayapaan tas dumating pa tong mga to.
Bago niya pa buksan yung cellphone niya. Hinigpitan ko yung paghawak ko sa shirt niya.
" Subukan mo, hindi ka na makakauwi ng buhay."
Na nagtawanan sila.Hindi ko nga sinasabi roon kung saan ang bahay ko at baka maghasik pa ng kagaguhan. Tapos papapuntahin pa nito.
-------------------------------------
BINABASA MO ANG
AZ
Romance∆LPH∆B€T I : ALPHA X ZACH STORY Tatlong magkakaibigan. Ano nga ba ang kanilang mga kwentong pag-ibig? Inspired by: 19 days - Old Xian (Manhua/Manhwa), My Son is Probably Gay - Okura (Manga) and Tonari no ren-kun wa chotto kowai- Kusege (Manga) ...