54

12 1 0
                                    

Paalala: May mga maseselang salita ang naririto.

------------------------------

" Bebi Az."
Na alam ko na kung sinong gago to. Hindi ko siya nilingon bagkus pinagpatuloy ko lang yung pagaayos ko ng gamit ko.
" Bebi Az."
Na di ko pa rin pinansin.

Ano na naman bang kailangan nito?.

" Bebi Az~"
Na malungkot nitong sabi na para bang bata na nalulungkot dahil di ito pinapansin ng kalaro niya at lumapit sa gilid ko.
" Bebi Az~"
Na di pa rin ako tumitingin sa kaniya kahit nasa tabi ko na siya at ramdam ko na tinitingnan ako nito.

" Ano na naman bang ginawa mo sa misis mo at galit na naman sayo?"

At nang dahil sa gagong sabi ni Thy, singkit ang mga mata kong tumingin sa direksyon niya. Tumawa naman sila.

Tangina nito, anong sabi nito?. Parang namimiss yata nito yung suntok ko.

" Biro lang par."
Natatawang sabi ni Thy.

" Kung suntukin kita riyan tas sabihin kong biro lang."
Na may inis na sinabi ko, na ikinatuwa naman nito.

" Bebi Az."

" Ano?"
Inis kong sabi kasabay ng pagtingin ko sa kaniya. Saglit itong natulala maya-maya'y ngumiti ito. Ngiting nakakaloko.

" Bebi Az. Ako nga pala si Bebi Za."
Na para bang batang nagpakilala lang sa batang kalaro niya, na ito na, tumataas na naman ang dugo ko sa bunbunan ko. Natawa naman sina Thy.

Tangina nito, nanggagago na naman.

" Tangina mo talaga."
Inis na may halong gigil kong mura rito kasabay ng susuntukin ko sana ito sa braso niya na natatawang pinigilan nito yung kamao ko.

Tsk. Kailan ko ba to masasampolan.

Kinuha ko agad yung kamao ko na hawak niya na ikinabitaw niya rito.

" Hindi ako makakasabay sa inyo ngayon."

At nang dahil sa sinabi niya'y para bang lahat ng inis ko nawala. Napalitan ng saya.

Tangina, yan lang yung sinabi niya ngayon na natuwa ako. Kahit kasi ayaw kong kasabay siya umuwi, sumasabay to. Feeling belong samin nina Thy. Buti naman, di siya sasabay ngayon, sana bukas din at sa mga susunod pang araw para kahit man lang uwian, may kapayapaan akong nararanasan.

" Ngayon lang naman Bebi Az, kaya wag ka ng malungkot."

At nang dahil sa dagdag nitong sabi'y nawala ang saya ko, bumalik yung inis ko na tumingin ako rito.

Tangina nito, sarap lamugin ng mukha.

" Mukha ba kong malungkot?"
Na ngumiti pa ko--- pilit na ngumiti ako dahil sa di ko maiwasang di tanggalin yung masamang tingin ko rito at tinuro ko pa yung mukha ko. Hindi siya sumagot bagkus tumawa siya.

Ang saya ko pa nga dahil di siya sasabay.

Kinuha ko nalang yung bag ko at tumingin kina Thy na ako nalang pala yung hinihintay, nasa bandang pintuan na sila.

" Ingat ka, Bebi Az."
Na tumingin ako sa kaniya, babarahin ko sana ito ng makita kong seryoso ito.
" Ingat kayo sa pag-uwi."

Nakatingin lang ako sa kaniya. Umiwas ng tingin at di ko na napigilang tumugon sa sinabi niya.

" Hmn."
Kasabay ng pagtungo ko.

-----------------

Hindi naman siya nagbibiro.

AZTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon