63

7 2 0
                                    

Paalala: May mga maseselang salita ang naririto.

------------------------------

" Bebi Az."
Na ikinatingin ko rito, si Zach na nakadungaw sa pintuan ng classroom nila. Nasa labas kami nina Thy at may kasama rin kaming mga kaklase naming lalaki.
" Samahan mo ko."

" Ayaw ko."
Agad kong sabi.

Magpasama siya sa iba.

" Samahan mo na ko."

" Saan ka ba pupunta?"

" Sa cr."

At nang dahil sa sagot ni Zach, pansin kong ginagago na naman ako. Yun bang sa wala siyang magawa, mag-iisip nalang siya ng kung ano-ano para gaguhin ako, nagtawanan yung mga kasama ko habang nainis naman ako.

Ang gago niya talaga kahit kailan.

" Tangina, parang iba yung nasa isip ko."
- Bry na ikinahawak ko sa kwelyo niya sa likuran na ikinatingin nito sakin.

" Gusto mo bang iumpog ko ulo mo sa pader para mawala yang ibang iniisip mo?"
Na ikinatawa nila. Binitiwan ko naman yung hawak-hawak kong kwelyo.

Tangina nito, wala ng inisip na matino.

" Samahan mo na ko."
Na ikinatingin ko rito, nakadungaw pa rin sa pintuan nila.

Kung malapit lang to, kinuwelyuhan ko na tong gagong to.

" Mag-cr ka magisa mo."

" Ayaw ko. Gusto ko yung makikita kita habang naga-ano Bebi Az."

At nang dahil sa sinabi nito'y mas lalong lumakas yung tawanan ng mga kasama ko na ikinatawa rin nito.

Alam kong di pwedeng mag-isip ng di maganda, pero kung ganito kagago yung nagsabi ng ganiyan, tang-ina, di ko maiwasang di mag-isip ng di maganda.

Binigyan ko siya ng nakakadiring tingin.

Sana madama niya.

Mukha namang napansin niya ito na ikinatawa niya.

At talagang tumawa pa, gago talaga.

Napatingin nalang ako sa mga kasama ko na tawa ng tawa.

Tangina ng mga to, tawa ng tawa, kung bigwasin ko kaya yung mga gagong to.

" Mag-ano tol?"
Natatawang tanong ng isa sa mga kaklase kong lalaki.

" Tangina, maga-ano ka ba par?"
Natatawang tanong ni Thy.

" Siyempre iihi."
Na ikinatawa muli nila, na sa inis ko'y kinuha ko yung sapatos ko at binato ko sa kaniya, na agad naman itong nakailag.

Tangina nito, kuhang-kuha niya talaga yung inis ko.

------------------

AZTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon