Paalala: May mga maseselang salita rito.
------------------------------
" Pasok "
- Zach pagkabukas niya ng gate na pumasok ako.Ito yung bahay nila?.
Para bang katulad ito na nakikita ko sa daan na di kalakihan, may gate, may garahe na tama lang sa isang kotse pero walang kotse na nakagarahe, may second floor at ang kulay nito'y Beige.
Di ko inaasahan na ganito yung bahay nila.
Pagkapasok namin, may isa pang pintuan para sa loob mismo ng bahay nila, agad kong nakita ko yung maliit na sala. May sofa ito at nasa tapat nito ang malaking flat screen TV. Kita ko rin yung maliit na kusina. Sa gilid nito, mau pintuan at sa tabi nito yung hagdan papuntang second floor. Pumunta siya sa kusina at binuksan yung ref.
" Wala kang kasama rito."
Habang sinusuri ko yung bawat sulok ng bahay niya." Wala."
Baka may mga pinuntahan.
Lumapit na rin ako sa kaniya na agad kong nakita yung mga karne sa freezer at sa mga gulay sa baba.
" Anong lulutuin mo?"
" Ano bang gusto mo?"
Baka mamaya, di pala siya kumakain ng lulutuin ko.
" Alphario."
Na ikinatingin ko rito. Nasa tabi ko siya habang nakangiti ito. Pilyong ngiti. Tumayo ako at sinabunutan siya.Di pwedeng mag-isip ng di maganda. Pero kung ganito yung mukha niya't ganito pa siya kagago. Di ko yun kayang tanggalin sa isipan ko.
" Kung may iniisip kang di maganda, sabihin mo lang sakin. Iuumpog ko tong ulo mo para mawala."
Habang sinasabunutan ko siya na imbis na dumaing dito sa sakit dahil mahigpit naman ang pagkakasabunot ko, pero natatawa pa ito.Gago talaga.
" Kung anong kaya mong lutuin."
Na ito yata ang matinong sagot sa tanong ko, na binitiwan ko yung buhok niya. Pero nagulat ako ng hawakan niya yung kamay ko, seryoso na itong nakatingin sakin." Kahit na may naiisip akong di maganda Bebi Az. Di ko naman yun gagawin hangga't di mo ko binibigyan ng pahintulot."
Seryosong sabi nito habang nakatingin sa mga kamay ko na hawak-hawak niya, na ikinatulala ko dahil di ko to inaasahan. Nawala ako sa pagkatulala ng unti-unti niyang nilalapit yung mukha niya sa kamay ko na pansin kong ki-kiss-an niya ito. Kaya bago niya pa ma-kiss-an, sinabunutan ko ulit siya na ikinahinto niya't layo ko ng kamay ko sa kaniya." Dapat lang dahil baka mabanatan kita hanggang sa ma-comatose ka."
Na ito nalang ang nasabi ko na ikinatawa niya.------------------------------
BINABASA MO ANG
AZ
Romance∆LPH∆B€T I : ALPHA X ZACH STORY Tatlong magkakaibigan. Ano nga ba ang kanilang mga kwentong pag-ibig? Inspired by: 19 days - Old Xian (Manhua/Manhwa), My Son is Probably Gay - Okura (Manga) and Tonari no ren-kun wa chotto kowai- Kusege (Manga) ...