30

17 3 0
                                    

Paalala: May mga maseselang salita rito.

------------------------------

" Bebi Az."
Habang palapit ito sakin na kakaupo ko lang sa upuan ko habang nagsiupuan naman sina Thy at Bry sa tabi ko.

Tangina, ano na naman?.

Binigyan ko siya ng nakakunot noo na tingin.

" Pagluto mo ulit ako sa bahay."
Na ikinasama ng tingin ko.

Tangina nito, ginagawa na naman akong yaya.

" Pinagluto ka niya ng pagkain Zach?"
Gulat na tanong ni Bry rito.

" Oo."
Na nasa mukha pa nito ang saya.

" Tangina, tas kami, di mo man lang pinagluluto."
- Bry na di makapaniwalang tumingin sakin.

" Nag-init nga lang ng tubig para sa pancit canton, tangina, galit pa."
- Thy na ikinatawa nila.

Tangina ng mga to, pinaglutuan ko rin namn sila. Hindi ba nila naalala yung nagprito ako ng itlog at meatloaf sa bahay ni Thy dati.

" Gusto niyong sakalin ko kayo rito?"
Kasabay ng pagtingin kay Bry, sunod kay Thy. Nagtawanan naman sila.
" At ikaw, hindi ka ba marunong magluto?"
Kasabay ng pagtingin ko kay Zach, na ikinatango niya.
" Wag ka ng kumain."
Na ikinatawa muli nina Thy.

Tangina niya, aral-aral din kasing magluto. Pwede naman siyang tumingin sa YouTube or Facebook.

" Sige na, Bebi Az. Miss ko na yung luto mo."
Na para namang binalewala niya yung sinabi ko.

" Ano bang niluto niya?"
- Thy.

" Adobo."

" Tangina, adobo pa nga. Tas kami nag-init lang talaga ng tubig para sa pancit canton. Galit pa tas sabi pa samin, yung sobra raw, ibubuhos pa samin."
Pagkukwento ni Thy kay Zach at nagtawanan na ikinainis ko naman dito at hinawakan ko yung batok niya. Hawak na para bang sasakalin na ikina-kiliti nito.

" Tangina mo, hindi mo naalala yung niluto ko na itlog at meatloaf?"
Pagpapaalala ko sa kaniya nung naalala kong niluto ko sa kanila. Hindi siya nagsalita bagkus natatawang nakikiliti ito. Binitiwan ko naman ito.
" Ayaw ko."
Kasabay ng pagtingin ko kay Zach.

" Anong gagawin ko para lutuan mo ko?"

" Luhod ka raw sa harapan niya, Zach."
- Bry na para bang siya yung tinanungan.

" Tas sabihin mo raw, Onegai, Master."
- Thy na pagdadagdag pa nito na ikinatawa nila. Inisip ko ito lalo na yung itsura niya pagginawa niya yung sinabi ng dalawa na unti-unting nagustuhan ko ito kahit na di ko alam kung saan nila ito kinuha.

Gagawin niya ba yun?.

Napangisi ako.

" Gawin mo yung sinabi nila."
Habang nakangiti.
" Luhod ka tas sabihin mo, Onegai Master."
Na ikinatawa nina Thy.

Hindi ko alam kung gagawin niya yun. Pero kung gagawin niya, sigurado akong nakakatuwa yun.

Hindi siya nagsalita bagkus inusog niya yung desk na nasa harapan ko palayo ng kaunti sakin at pumunta siya sa harapan. Lumuhod siya at nagulat ako ng binuka niya yung magkabilang tuhod ko.

" Onegai Master."
Na malambing--- na para bang nangaakit sabay himas sa dalawang hita ko, na agad nagsitaasan ang balahibo ko, kinilabutan ako na ikinasama ko ng tingin.

" Anong ginagawa mo?"
Pagtutukoy ko sa ginagawa niyang paghimas sa magkabilang hita ko na mas lalo akong kinikilabutan.

" Sinusunod ko yung sinabi mo."

" Pero di ko sinabing hawakan mo yung tuhod ko."

" Pero ganito talaga yun."
At ngumiti. Nakakalokong ngiti.
" Meron pa nga..."
At hinawakan niya yung neck tie ko at linapit niya yung mukha niya sa tenga ko.
" Onegai Master."

At nang dahil sa sinabi niya--- bulong niya na para bang mas nakakaakit pa ito kaysa sa una niyang sinabi'y lalo akong kinilabutan. Lumayo siya na kita ko ang ngiti---sobrang ngiti nito na ikinainis agad ng ulo ko.

" Tangina mo talaga!"
At susuntukin ko na sana ito ng napigilan niya agad ito.

Hindi ko alam kung ganun ba yung gagawin kapag sinasabi yun. Kung yun talaga, hinding-hindi ko na uulitin!. Tangina, hindi pala nakakatuwa.
[ Pagtutukoy niya sa "Onegai Master"]

---------------------------

AZTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon