BOOK 2- Chapter 8

1.9K 39 2
                                    

CHAPTER 8

"It wasn't the slow motion, it's the fast forward. It should be him/her who's with you in the future. Keep your promises for your tomorrows."
-c.




"Happy birthday again, Vaine." Sabi ko nang harapin kami ng kaibigan ko.

11 pm na pero hindi pa rin tapos ang party niya. Inaya na ako ni Damon na umuwi dahil ayaw niyang malate kami sa daan at gusto niya akong magpahinga. Gusto ko na rin umuwi para makapag-pahinga na rin siya.

"Uuwi na ba talaga kayo? You can stay here. Para naman makapag-bonding pa tayo." Ngumuso siya.

"Pinilit na namin 'yan, Vaine. Wala, e. May bantay." Tumawa si Jastel.

"Damon needs rest. You know that, Vaine, right? I'm sorry. Next time babawi ako sa inyo."

Naramdaman ko ang paghawak ni Damon sa kamay ko. "Sorry, girls, but my girlfriend needs to be home by 1 am."

Sumuko na ang mga kaibigan ko. "Sige na. Salamat sa pagpunta, Gibrielle. I hope we can bond more soon. Hindi ko man lang kayo masyadong naasikaso ngayon."

"It's okay. It's your day. You should be happy."

Niyakap niya ako. "Hatid ko na kayo?"

"Huwag na. Enjoy the rest of the night."

Nginitian ko na siya at nagpaalam na rin kina Sarah, Imee, at Jastel. Dala ni Damon ang kanyang kulay itim na BMW. Kaya siguro agad siyang nakarating dito dahil sa sasakyan niya at sa bilis niya magpatakbo.

"Bhie,"

"Yes?" Nilingon ko siya.

Nagkamot siya ng batok. "Wala ka bang... gustong puntahan muna?"

Sa mukha niya, alam ko na ang ibig sabihin. Balak ko na talagang dumaan muna doon pero naisip ko, gabi na at natatakot akong magpunta ng mag-isa. Since Damon is here, might as well visit my family again. I really miss them.

"Sige..."

Nagmaneho na siya papunta sa sementeryo. Parang nakakabisado na niya ang daan papunta doon. Ilang beses na rin kasi siyang nagpupunta dito. Wala na akong naging balita sa mga tita ko. Ayaw ko na rin namang makagulo sa kanila kahit na gustong gusto kong matanggap nila ako. Maybe that's the best thing to do para makaiwas sa gulo. And I'm sure hindi maguhustuhan ni ate kung papatol pa ako sa kanila.

Hindi ko maramdaman ang antok lalo na't palapit na kami sa sementeryo. Tandang-tanda ko pa rin ang sakit na mawalan ng pamilya dahil ramdam ko iyon araw-araw. Naswertehan lang ako na may mga nagmamahal pa rin sa akin. Hindi ko kailanman naisip na mangyayari ang ganito sa buhay ko. Sobra akong nagpapasalamat na dumating sila sa buhay ko dahil kung hindi baka matagal na rin akong sumunod sa kanila.

Nakarating na kami sa sementeryo kung saan nandun sina mama, papa, at ate. Gabing-gabi na pero hindi ko magawang matakot dahil kasama ko si Damon. Kahit madilim ang langit, may ilaw naman ang bawat poste. Pwedeng-pwede bumisita kahit sino, kahit anong oras.

Naramdaman ko ang paghawak ni Damon sa kamay ko. Nilingon ko siya at nginitian. Naglakad kami papunta doon sa pwesto ng pamilya ko. Tuwing death anniversary nila, uuwi kami dito para sindihan sila ng ilaw at magdasal. Aalalahanin namin ang bawat memories na meron kami. Oo, pumupunta ang mga kapatid ni mama pero hindi na nila ako magawang pagsabihan ng masasama dahil sa marami akong kasama, hindi nila hinahayaan na magkalapit man lang kami. Batid ko pa rin naman ang sama ng tingin nila sakin, alam ko pa rin ang sama ng loob nila sa akin, hindi ko matatanggal sa kanila iyon. Tanggap ko ng hindi nila ako tinuturing na pamilya. Sapat na rin naman sa akin ang mga taong nakapalibot sa akin at hindi ako iniiwan.

That Frat Leader (TFL SERIES #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon