BOOK 2- Chapter 48

975 22 2
                                    

CHAPTER 48

"Is it still a right decision to leave the one you love just to make him safe?"
   -c.





Hindi kami masyadong nagtagal ni Reige sa park. Nag-thank you ako sa kanya sa paglibre ng almusal. Habang kumakain kami kanina nagkwento siya tungkol sa Korea, sa naging buhay niya doon, at sa mga babaeng naka-date niya.

Kahit paano medyo nabawasan ng kaunti ang guilt na nararamdaman ko sa kanya. Sinubukan pa rin niyang buksan ang kanyang puso nung nasa Korea siya. Sinubukan niyang makipag-date sa ibang mga babae. Kaya ang sabi ko sa kanya, huwag niya pa ring isara ang kanyang puso. Darating rin ang araw na makakalimutan niya ang nararamdaman niya para sa akin.

Hinatid niya ako sa bahay. Pareho kaming masaya at nakalimutan ko kahit sandali ang pag-uusap namin ni Charles.

"Nakapag-enroll na ba kayo ni Damon?" Tanong ni Reige nang nasa tapat na kami ng bahay.

"Hindi pa ako sigurado."

Tumango siya. "Ganun ba? Baka naman lumipat kayo ng school nang dahil sa akin?" Tumawa siya.

"Hindi no!" Hinampas ko siya. "Hindi namin magagawa iyon."

"Sigurado ah?"

"Oo nga!" Bumusangot ako.

Paano niya naisip ang ganung bagay?

"Sige na. Uwi na rin ako. Salamat sa kanina, Gibrielle." He flashed his genuine smile.

"Salamat rin pati sa libre." Ako naman ang tumawa.

Bago tuluyang makaalis si Reige ay may humintong mazda 3 sa harap namin. Alam ko na agad kanino ang sasakyan na iyon. Bumaba siya ng sasakyan at hinarap kami. Parang medyo nagtaka pa siya nang makita si Reige.

"Reige, nandito ka." Sabi ni Hunter.

"Sinamahan ko lang sa park si Gibrielle." Sagot naman ni Reige.

Tumango lang si Hunter at bumaling na sa akin. "How are you? Nabalitaan ko nagkasakit ka."

Kinagat ko ang labi ko. Hindi na niya dapat sinabi iyon. Nagtatanong na ang mga titig ni Reige sa akin. Imbes na pauwi na siya ay mukhang magkukwentuhan pa kami dito sa labas ng bahay.

"Nagkasakit ka?" Tanong na ni Reige.

"Hindi mo rin alam?" Tanong din ni Hunter kay Reige.

Bumuntong-hininga ako. "Walang pinagsabihan si ate Hershey."

"Bakit? Paano ka nagkasakit? Bumalik ba lagnat mo after that night?" Sunod-sunod na tanong ni Reige.

"No," umiling ako, "Remember the night when I decided to go back home? Hindi ako nakapasok ng bahay coz it's locked. Nagpalipas ako ng gabi dito sa labas but unfortunately inabutan ako ng ulan kaya nagkasakit ako. Ayoko na rin ipaalam sa inyo 'yon dahil nakakahiya lang."

"Kahit na. Kung alam ko lang, hindi lang basta sandwich ang binili ko sayo kanina." Giit ni Reige.

"Hayaan mo na 'yun. Okay na naman ako."

"Anong sabi ni Damon tungkol dito? Alam na ba niyang nakabalik ka na?" Tanong naman ni Hunter.

Nailang ako sa huling tanong niya. Para bang nag-ibang bansa ako nang walang paalam at biglang bumalik na dito. Kahihiyan talaga ang ginawa kong pagtakas noon.

"Nag-alala siya... Okay na kami..." Sagot ko na lang.

"Gibrielle, sa susunod ipaalam mo agad sa amin kung nagkasakit ka o may problema ka. Nandito lang kami palagi." Diretso ang tingin ni Reige sa akin. "Remember what I have told you? I can always listen." Hinawakan niya ang kamay ko. "Maiwan ko na kayo. Baka hinahanap na ako ni mama."

That Frat Leader (TFL SERIES #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon