BOOK 2- Chapter 18

1.3K 30 3
                                    

CHAPTER 18

"Love that man who will do impossible things possible."
   -c.




Nagising ako sa napaka-bangong amoy ng fried rice. Nagmulat ako ng mga mata ko at si Damon agad ang nakita ko. Seryoso siyang nakatitig sa akin. Umupo ako para tignan rin siya.

"Ang aga mo yata nagising?" Tanong ko pero nakita ko ang ilalim ng kanyang mga mata. "O hindi ka natulog?"

Umiling siya.

"Damon, iniisip mo ba na babalik si Charles kaya hindi ka natulog?"

"Hindi lang talaga ako makatulog,"

Nalungkot ako. Alam ko kasing kapakanan ko ang iniisip niya, maraming tumatakbo sa isip niya nang dahil lang kay Charles. Hindi siya mapapakali hangga't hindi naibabalik sa kulungan ang lalaking iyon.

Lumapit ako sa kanya at niyakap siya. Sinandal niya ang ulo sa balikat ko. "Kumain ka na. Huwag mo 'kong iiwan dito." Mahina ang kanyang boses, halatang pagod na at inaantok.

"Damon, matulog ka na. Hindi kita iiwan."

"Ubusin mo 'yang niluto ko, ha? Nagpaturo pa ako kay Ate Hershey para lang diyan."

"Yes, uubusin ko."

Pagkatapos kong sabihin iyon ay bumigat na ang kanyang paghinga. Kahit medyo hirap dahil sa mabigat siya ay pinilit kong mahiga siya sa kama ko. Siya naman ang pinagmasdan ko habang natutulog.

Yes, Damon. Hinding-hindi kita iiwan. Hindi ako mawawala sa tabi mo. Alam mo kung bakit? Dahil ganun din ako sayo. Ayokong iwan mo rin ako. Ikaw na lang ang natitira sakin. Hindi ko kakayanin kung iiwan mo ako.

Binalingan ko na ang mga hinanda niya sakin. Inubos ko ang pagkaing niluto niya para sa akin. Matabang ang fried rice, luto ang gitna ng sunny side up na itlog, sobrang tamis ng kapeng tinimpla niya at sunog ang hotdog. Pero kahit ganun, alam kong nag-effort siya kaya inubos ko lahat ng pagkain na hinanda niya para sa akin.

Lumabas ako ng kwarto para dalhin sa kusina ang mga pinagkainan ko at mahugasan ko. Naglinis na rin ako ng bahay habang tulog pa si Damon. Nakaalis na kasi si Ate Hershey para magtrabaho.

Tatlong oras akong naglinis ng buong bahay. Dahan dahan lang ang paggalaw ko sa kwarto kanina para hindi ko magising si Damon. So far, 5 oras na siyang tulog. Bumalik ako sa kwarto ko para maghanda ng mapagbibihisan. Bago ako pumasok sa banyo, nilapitan ko muna si Damon sa kama. Sobrang himbing niya matulog, humihilik pa nga sa sobrang pagod.

Papasok na sana ako ng banyo nang mag-ring ang cellphone ko. Dali-dali ko pa itong damputin para hindi magising si Damon.

"Hello, Hunter." Pabulong kong sabi, lumabas muna ako ng kwarto.

"Naistorbo ba kita?"

"Hindi. Natutulog kasi si Damon."

"Akala ko ba babantayan ka niya?" Seryoso niyang tanong.

"Oo nga. Pero may nangyari kasi kagabi,"

"Ano?"

"Vinandal kasi ang sasakyan ni Damon. Alam naman nating kung sino ang nasa likod nun. Hindi natulog si Damon dahil sa pag-aalalang bumalik sila." Sumandal ako sa pader at yumuko. "Awang-awa na nga ako kay Damon. Ayokong nakikita siyang ganito. Sobra sobra ang pag-aalala niya sakin."

"Mahal ka niya e." Humina ang kanyang boses.

"Alam ko, Hunter. Pero sobra sobra naman na para bang nakakalimutan na niya ang sarili niya. Ayokong ganun. May sarili rin siyang buhay."

That Frat Leader (TFL SERIES #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon